Pinoy Fear Factor: My Blog Update
Ang ibig sabihin ng “Caminata Sobre Palos” ay “Pagtawid sa Ibabaw ng mga Troso”. Sa hamon na ito ay kinakailangan akyatin ng mga participante ang unang troso, sa hudyat ni Ryan na (uno, dos, tres, ariba!) ay doon lamang maaaring mag simulang umakyat ang participante, oorasan ang kanilang pag-akyat. Kapag nasa tuk-tok na sila ay kinakailangan nilang tumayo ng tuwid at sumenyas na naka taas ang dalawang kamay, kapag nagawa nila ito ay aantayin nila ang senyales na (Vamos!). Sa pagkakataon na iyon ay muling mag uupisa ang oras ng participantes para kunin ang mga banderitas na nakakabit sa mga troso. Ang may pinaka mabilis ay siyang maliligtas at mapapasama na sa “Saistig”.
Hindi naging madali para sa mga participantes ang hamon na ito dahil sa kalagitnaan ng kanilang hamon ay dumating ang pinaka kinakatakutan ng mga agentin na bagyo, ito ay ang Tormenta De Santarosa. Ang bagyong ito ay taon-taon dumarating sa Argentina at nag iiwan ng malaking pinsala, sa Buenos Aires ang pagdating nito ay tanda ng pagsisimula ng spring. Tumapat ang pagsasagawa ng unang hamon ng mga participantes sa pagdating ng kinakatakutang Tormenta De Santarosa, kaya’t maging ang mga Argentin staff ay nag alala sa kaligtasan ng mga Participantes. Pero napag desisyonan na walang pag hinto na magaganap.
Marion – (1:34sec – Climbing Time / 0:43sec – 6 na Banderitas)
Manuel – (0:27sec – Climbing Time / 1:23sec – 6 na Banderitas)
Jommy – (0:53sec – Climbing Time / 2:25sec – 5 na Banderitas)
Lj – (1:34sec – Climbing Time / 1:17sec – 5 na Banderitas)
Rj – (1:46sec – Climbing Time / 2:01sec – 5 na Banderitas)
Janna – (1:15sec – Climbing Time / 3:44sec – 5 na Banderitas)
Savanah – (Sumuko)
Para sa hamon na ito ay isa lamang sa mga Participantes ang hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon, ito ay si Marion na nakakuha ng pinaka mabilis na oras, at dahil diyan siya ay automatic na mapapasama sa “Saistig”. Sa kabilang banda, dahil umayaw si Savanah sa hamon, siya ay automatic na mag lalaro sa ikatlong hamon ng Sexta Ronda De Eliminacion.