Archive for the PDA: Season 2 Category

Pinoy Dream Academy Season 2 – Grand Dream Night: The Awards Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , , , on September 14, 2008 by EternalLance

Kagabi ay pinakita ng mga scholars sa taong bayan ang lahat ng kanilang galing at natutunan sa Academy. Marami ang namangha at napabilib sa kanilang ipinakita, kaya naman matapos ang kanilang showdown ay dumating na ang takdang panahon kung saan ay kikilalanin na, kung sino kina Bugoy, Cris, Miguel, Liezel, Van at Laarni ang tatanghalin Grand Star Dreamer.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng buksan at umpisahan ang pagboto sa top 6 scholars ng Academy, at kanina sa ganap na 2:00pm ng tanghali ay opisyal nh isinara at itinigil ang botohan sa ASAP 08

Sino king Bugoy, Cris, Miguel, Liezel, Van at Laarni ang ibinoto ng taong bayan at tatanghalin bagong Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy Season 2.

Narito and Video ng Grand Dream Night: The Awards Night ng mga scholars sa Cuneta Astrodome.

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Finale

Sa pag tatapos ng Pinoy Dream Academy Season 2 ay ipinakita ng mga mentors ng Academy ang kanilang galing sa pagkanta, bukod dyan ay namasko rin ang mga Little Dreamers sa mga audience na siya namang itutulong nila sa mga kapos palad.

Mahabang panahon ang inilagi ng mga scholars sa loob ng Academy. Dito ay tinuruan at hinasa ang kanilang kakayahan upang maging isang magaling na mangaawit. Sino ang nangibabaw?, at sino naman ang ibinoto ng taong bayan para tanghaling Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy Season 2.

Grand Star Dreamer35.01%
651,696 Text Votes

2nd Placer                  3rd Placer

                            
29.07%                            13.69%
549,768 Text Votes          253,412 Text Votes

4th Placer           5th Placer          6th Placer

                                 
13.36%                       6.06%                         1.97%
247,346 Text Votes   112,065 Text Votes   36,487 Text Votes

 

Advertisements

Pinoy Dream Academy Season 2 – Grand Dream Night: The Performance Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , , on September 13, 2008 by EternalLance

Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

Part 5

Part 6

Part 7

Part 8

Part 9

Part 10

Who will be the next Grand Star Dreamer?…

Countdown to the Dream Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , on August 31, 2008 by EternalLance

Luzon, Visayas, Mindanao at ibat-ibang bahagi ng mundo, libu-libo ang sumubokat nangarap, pero iilan lamang ang nabigyan ng pagkakataong makapasok. Labing amin(16) na Scholars ang pinili at nabigyang katuparan ang mga pangarap. Dito ay tinutukan, tinuruan at hinasa ang kanilang galing, merong nangibabaw at meron din nakakitaan ng kahinaan. Sa paglipas ng araw isa-isa silang nababawasan, ang labing anim ay nabawasan hanggang mabuo ang Head Master List of 10, at sa pagpasok ng Honorary Scholar ay lalong tumindi and kompetisyon.

Marami ang nabago at nadagdag, magkagayon man ay mahirap para sa mga scholars ang kanilang mga pinagdaanan upang marating nila kung ano sila ngayon, at sa loob ng mahigit sampung(10) linggo na pananatili sa loob ng Academy ay patuloy silang lumalaban para sa kanilang mga pangarap. Kaya naman magmula sa sampu ay muli itong nabawasan hanggang sa makikilala natin ngayon ang top 6 Scholars ng PInoy Dream Academy Season 2. Ito ay sina…

Only 6 remaining Scholars…
         Who will be the next…
                 Grand Star Dreamer?

To Vote:

PDA<space><name of scholar> and send to 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless Subscribers and 231 for Smart, Talk’n Text, Addict Mobile Subscribers

Iboto mo na ang gusto mo at karapat dapat sa titulong Grand Star Dreamer. Ang botohan ay mag-uupisa ngayong August 30 , dahil sa September 13, 2008 magaganap ang Final Gala Performance Night ng mga Scholars sa Cuneta Astrodome, at sa September 14, 2008 naman magtatapos ang botohan kung saan ay kikilalanin na ang Grand Star Dreamer.

11th Gala Performance Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , , on August 30, 2008 by EternalLance

Espesyal ang gabing ito dahil “Scholars Choice of Song” ang kanilang kakantahin, at dahil nalalapit na ang Drand Dream Night ay naging mahirap para sa mga scholars ang pagpili ng kanilang kanta dahil kinakailangan na may koneksyon ito sa buhay at pagkatao nila. Naging matindi ang kanilang pagsasanay nitong nagdaang linggo dahil hindi lamang sa boses ang pinag tuonan nila ng pansin, dumaan din sila sa Physical, Mental at Emotional training. Sa ginawa nilang training ay inilabas ng mga scholars ang lahat ng kanilang galit at sama ng loob, ginawa nila ito upang gumaan ang kanilang kalooban at mas maging relax sila habang kumakanta.

Pero sa kabila ng lahat ay mas naging mahirap para kina Sen at Van ang nagdaang linggo dahil isa sa kanila ang lalabas ng Academy, habang ang isa naman ay mananatili at mapapasama sa top 6.

Narito ang mga kanta na pinili ng mga scholars:

1. Sen (The Cancer Survivor)His Eyes In On The Sparrow

2. Van (The Heartthrob) Who Am I

3. Laarni (The Independent Woman) Iam Blessed

4. Miguel (The Romantic Crooner) Sandra

5. Liezel (The Pride of Puerto Galera) – Goodbye’s (The Saddest Word)

6. Cris (The Singing Interior Designer) Insepreble

7. Bugoy (The Farmer’s Son)Can’t Stop a River

Kasabay ng kanilang 11th Gala Night ay ang launching ng first Album ng PDA Season 2 Scholars. Ito ay ang “Scholars Sing Cayabyab”, nakapaloob dito ang mga composition ni Mr. C at kinanta naman ng Head Master’s List of 10 na sina…

BugoyPaano Na Kaya

CrisMagpakatotoo

MiguelKitang Kita

LiezelI’d Rather

VanAngas

LaarniManalig Ka

IñakiGanun Lang

BunnyBakit Ganyan

SenHero

AppleHide My Feelings

8th Expulsion Night

Naging tensyonado ang gabing ito dahil isa kina Sen at Van ang lalabas ng Academy, habang ang Continue reading

9th Probation Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , on August 25, 2008 by EternalLance

Nalalapit na ang Grand Dream Night kaya naman lalong tumitindi ang copetisyon ng mga scholars, at dahil dyan ay malaki ang pagbabago sa pagpili ng probationary scholars this week. Magmula sa bottom four ay magiging bottom two nalang. Dahil ang sino mang dalawang scholar ang makakakuha ng pinaka mababang grade sa kanilang 10th Gala Night ay automatic na under probation this week. Kaya naman magmula kay Bugoy na naka kuha ng 9.81 na grade at itinanghal na star scholars nung last Gala Night ay sina Sen at Van naman ang nakakuha ng pinaka mababang grade na 7.29 at 7.30, na naging dahilan upang tanghalin sila na probationary scholar para sa linggo na ito.

Sino kina Sen at Van ang gusto mo pang manatili sa loob ng Academy at mapasama sa top 6?

To Vote:

PDA<space><name of scholar> and send to 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless Subscribers and 231 for Smart and Talk’n Text Subscribers

10th Gala Performance Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , , on August 23, 2008 by EternalLance

Para sa gabing ito ay “Performing with Celebrity Star” ang naging theme, dahil dyan ay nitong nagdaang linggo ay puspusan ang ginawang paghahanda ng mga scholars upang masiguro na matatapatan nila ang galing ng kanilang kapartner na celebrity, at dahil nalalapit na ang Grand Dream Night ay lalong tumitindi ang competition ng mga scholars.

Narito ang listahan ng kanilang kanta:

1. Iñaki (The Stage Performer) & Bituin EscalanteProud Mary

2. Miguel (The Romantic Crooner) & Sheryn RegisNever Say Goodbye

3. Laarni (The Independent Woman) & Ged MadelaThe Prayer

4. Cris (The Singing Interior Designer) & Richard PoonKissing A Fool

5. Liezel (The Pride of Puerto Galera) & Joey Generoso of Side ATell Me

6. Van (The Heartthrob) & Kitchie NadalBulong

7. Bugoy (The Farmer’s Son) & Vina MoralesMuli

8. Sen (The Cancer Survivor) & Rechel AlejandroCan We Just Stop & Talk Awhile

9. Poy (The Honorary Scholar) & The Ryan Cayabyab SingersLiving On A Prayer

Naging maganda ang performance ng mga scholars para sa kanilang 10th Gala Night, pero dahil narin sa nalalapit na Grand Dream Night na kung saan ay makikilala ang Grand Star Dreamer ay sunod-sunod ang anunsyo at rebelasyon ngayong gabi.

Una: Ang paglabas sa Academy ng Honorary Scholar na si Poy. Matapos ang apat na linggong pananatili sa loob ng Academy ay obligasyon nito na ichallenge ang mga scholars, at sa tuwing magiging star scholar ito ay makakakuha siya ng P50,000.00, na siya namang ibabawas sa total price ng Grand Star Dreamer. Pero dahil narin sa laging pumapangalawa lamang itong si Poy sa Star Scholar ay bigo ito na makapag uwi ng fifty thousand pesos at maging official scholar ng Academy.

Ikalawa: Iba na ang pagpili sa set of Probies this week. Mag mula sa Bottom Four na kung saan ay pumipili ang mga mentors at scholars ng kanilang ililigtas, ngayon ay tatanggalin na. Dahil ngayong gabi ay kung sino man sa mga scholars ang makakakuha ng pinaka mababang grade ay automatic na on probation this week.

7th Expulsion Night

Matapos ang performance ng mga Scholars with Celebrity Partner ay nagdesisyon ang taong bayan kung sino kina Iñaki at Miguel ang lalabas sa Academy. Dahil nalalapit na ang Continue reading

8th Probation Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , on August 18, 2008 by EternalLance

Matapos ang counterpointing ng mga scholars ay muling humarap ang mga ito sa mentos upang malaman kung sino ang nasa bottom four. Sina Sen, Iñaki, Miguel at Cris ang nakakuha ng ng pinaka mababang grade, kung kaya’t muling pumili ang mga mentors at scholars ng kanilang ililigtas. Si Sen ang iniligtas ng mga mentors, samantalang si Cris naman ang iniligtas ng mga scholars. Dahil dyan ay si sina Miguel at Iñaki ang malalagay sa listahan ng mapapaalis ng Academy para sa susunod na linggo.

Sino kina Miguel at Iñaki ang gusto mo pang manatili sa loob ng Academy?

 

To Vote:

PDA<space><name of scholar> and send to 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless Subscribers and 231 for Smart and Talk’n Text Subscribers