Archive for January, 2009

Ika-dalawangput Anim na Hamon: Kahon ng Sindak

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , on January 23, 2009 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Sa Kahon ng Sindak ay kinakailangan na harapin ng mga Participante ang kanilang takot sa Daga, Palaka at Ahas. Dahil sa pagsisimula ng hamon ay kinakailangan nilang pumili ng isang card. Sa card na ito malalaman kung ano ang ilalagay sa kanilang ulo, paa at katawan. Hihiga ang participantes sa isang kahon na parang kabaong, nakahati ito sa tatlo, ang isa ay sa ulo, ang isa ay sa katawan habang ang isa naman ay sa paa. Dito ilalagay ang mga daga, palaka at ahas. Para sa hamon na ito ay kinakailangan nilang ilipat ang labing limang palaka sa isang kahon na nasa tabi ng kanilang hinihigaan, paunahan ang magiging labanan, ang may pinaka mabilis na oras ay siyang maliligtas, habang ang mangungulelat naman ay mag papatuloy para sa susunod na eliminacion.

Janna   – 1:45sec / 14 Palaka
Manuel – 1:47sec / 15 Palaka
Rj         – 49sec 13 Palaka
Savanah – 3mins / 12 Palaka

Advertisements

Ika-dalawangput Limang Hamon: Cofre En El Agua

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 20, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang Ika-labing Dalawangput limang Hamon ng mga Participantes ay ang “Cofre En El Agua” na ang ibig sabihin ay “Kabaong sa Tubig”. Sa hamon na ito ay ilalagay sa loob ng kabaong ang mga Participantes at ilulubog sila sa tubig, kapag sumindi ang ilaw na mag sisilbi nilang sinyales ay doon lamang nila maaaring buksan ang kandado.  Sa kanilang paglubog ay hawak-hawak na nila ang tatlong susi at isa lamang dito ang mag papabukas sa kandado. Pabilisan ang magiging labanan, kapag nabuksan na nila ang kandado ay kinakailangan nilang lumabas dito at lumangoy papunta sa logo ng Pinoy Fear Factor. Ang may pinaka mabilis na oras ay ang siyang maliligtas at hindi na mag papatuloy para sa susunod na hamon.

25th Stunt

Hindi naging madali sa mga participantes ang hamon na ito dahil bukod sa malamig ang tubig ay nauubusan na sila ng hininga bago pa mag umpisa ang kanilang hamon.

Marion     – 19sec
Jommy     – 20sec
Manuel    – 268sec
Savanah – 31sec
Janna     – 42sec
Rj           – Sumuko

Ika-dalawangput Apat na Hamon: Reingresar En El Camio

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 16, 2009 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Reingresar En El Camio” Ang Ika-dalawangput Apat na Hamon. Sa hamon na ito ay kinakailangan na mag maneho ang mga Participantes palabas ng container track, at mag mula doon ay kailangan nilang habulin ang track at imaneho ang kanilang sasakyan papasok muli sa container track. Ang participantes na makakakuha ng pinaka mabilis na oras ay ang siyang mag uuwi ng P50,000.00.

24th Stunt

Sa hamon na ito dalawang Participantes ang naglaban para sa pabuya, ito ay sina Jommy at Manuel. Si Manuel ang unang gumawa ng hamon at dahil sa hindi inaaasahang pangyayari ay huminto ang kanyang sasakyang sa kalagitnaan ng kanyang hamon, at dahil dito ay tumagal ang kanyang oras. Sa kabilang banda ay nagawa naman ni Jommy na ipasok ang sasakyan sa container track na mas mabilis kumpara sa oras na nagawa ni Manuel. Pero dahil narin sa hindi sanay si Jommy na mag maneho ay nakalimutan nito na ibreak ang sasakyan at dahil dito ay muntik ng maaksidente ang mga Argentin Staff na nasa loob din ng container track. –Para sa hamon na ito ay si Jommy ang nanalo at naka paguwi ng P50,000.00 para sa huling Ronda Sin De Eliminacion ng Pinoy Fear Factor.

Ika-dalawangput dalawang Hamon: Red Bajo En Helicoptero

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 13, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Para sa ikalawang bahagi ng Ronda Sin De Eliminacion ito ay ang “Red Bajo En Helicoptero” na ang ibig-sabihin ay “Net sa Ilalim ng Helicopter”. Magsisimula ang mga participantes sa loob ng helicopter at gagapang sila sa ilalim ng net ng nakalambitin papunta sa kabilang pintuan ng helicopter. Pabilisan ang magiging labanan, ang participantes na mangunguna ay mag kakaroon ng pagkakataon na matawagan ang kanilang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

22nd Stunt

Ito ang ikalawa at huling Rondan Sin De Eliminacion ng mga Participantes na kung saan ay mag lalaban sila para sa gantimpala. Sa hamon na ito ay dalawang participantes ang hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon at mawawalan na nag pagkakataong maka pag uwi ng P50,000.00.

Manuel   – 26sec
Jommy   – 34sec
Rj          –  Nalaglag
Janna    – Sumabit

Marion   – Nalaglag
Savanah – Nalaglag

Sa hamon na ito ay isang aksidente ang nangyari, dahil sa kagustuhan ni Janna na matapos ang hamon ay sumabit ang kanyang paa sa net na naging sanhi para itigil ang kanyang hamon.

Ika-dalawangput Isa na Hamon: Bungee Invertido

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 9, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-dalawangput isa na hamon ng mga participantes ay ang “Bungee Invertido” na ang ibig sabihin ay “Pabaliktad na Bungee”.  Sa hamon na ito ay babaliktad ang mundo ng mga participantes, sapagkat ibibitin sila ng patiwarik habang nakahawak sila sa pabigat, kapag handa na ay ilulubog sila sa tubig, mag uumpisa ang kanilang oras kapag nailubog na ng buo ang kanilang mga ulo at habang nasa ilalim ay patagalan ng oras ang magiging labanan. Kapag gusto na nilang sumuko ay bibitawan lamang nila ang pabigat at doon na magtatapos ang kanilang oras.

21st Stunt

Hindi naging madali sa mga participantes ang hamon na ito dahil bukod sa naka baliktad sila ay naging kalaban nila ang lamig ng tubig. Para sa hamon na ito ay isa sa kanila ang matatanggal at mapapauwi na ng Pilipinas.

Manuel   – 1:18sec
Janna     – 0:39sec
Savanah – 0:19sec
Lj – (1st try – 0:12sec)/(2nd try – 0:11sec) – Eliminated

Sa hamon na ito ay nagkaroon ng kaonting pagkakamali, dahil nag laro si Lj ng walang nose clip samantalang lahat ng kanyang kapwa participantes ay nag laro na merong nose clip, dahil dito ay tinanong si Lj ni Ryan kung inalok daw ba ito ng Nose clip, pero naging sagot ni Lj ay “Ewan ko, hindi ko matandaan”, dahil dito ay pinanood nila ang mga kuhang video at  napag alaman nila na hindi nga ito  inalok. Dahil sa pangyayaring ito ay tinanong ni Ryan ang mga participantes kung okey lang sa kanila na ulitin ni Lj ang hamon na meron suot na nose clip; agad naman na sumang-ayon ang mga participantes. Sina Lj at Savanna ang nakakuha ng pinaka maikling oras  sa kanilang lahat kaya naman para maging patas ang labanan, kapag nalagpasan ang ginawang oras ni Lj ang nagawang oras ni Savanah ay ipapaulit din ito kay Savanah para naman mabigyan din ito ng pagkakataon na malagpasan ang ginawang oras ni Lj.

lj-without-nose-clip

Matapos ang hamon ay hindi nagawang lagpasan ni Lj ang nagawang oras na Savanah at  dahil dyan ay nangangahulugan ito na si Lj ang ika anim(6) na Participantes na uuwi ng Pilipinas.

Ika-dalawangpu na Hamon: Kiosco De Dulce

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 7, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Para sa ika-dalawangpung hamon ng mga participantes ay ang “Kiosco De Dulce” na ang ibig-sabihin ay “Tindahan ng mga Candy”. Sa hamon na ito ay isa-isang pinapili ang mga participantes ng lolipop at sa likod nito ay may nakalagay na numero na nag sasaad kung pang ilang garapon ang kanilang kakainin. Kinakailangan na paisa-isa lamang ang kanilang pagkain dahil kapag hindi nila ito nginuya ng mabuti ay maari itong mag bara sa kanilang lalamunan. Mag uumpisa ang kanilang oras kapag nag simula na silang kumain at magtatapos naman ito kapag naubos na nila ang lahat ng kinakailangan nilang kainin. Kailangan din na walang laman ang kanilang bibig bago ihinto ang kanilang oras. Pabilisan ang magiging labanan, ang participantes na may pinaka maikling oras sa pagkain ng kanilang putahe ay siyang maliligtas at mapapasama sa “Saistig”.

20th Stunt

Ang bawat participante ay may kanya-kanyang numero, ito ay ayon sa kanilang nabunot. Ang bawat numero ay kumakatawan sa mga garapon na nag lalaman ng ibat-ibang uri ng mga hayop at ito ang kinakailangan nilang kainin. Ang pang limang garapon ay nag lalaman ng Uod, ang ika-apat naman ay Alakdan, ang pangatlo ay Ipis, ang pang apat ay Daga at ang pang lima naman ay walang laman, sapagkat ang participantes na makakakuha ng ika unang garapon ay kinakailangan kainin ang lahat ng nasa garapon mag mula ikalawa hanggang sa ikalima.

Janna  – 4:14sec / (#5 na Garapon  – 20pc na Uod)
Jommy – 2:21sec / (#4 na Garapon  – 10pc na Alakdan)
Lj         – 3:22sec / (#3 na Garapon  – 20pc na Ipis)
Rj         – 1:28sec / (#2 na Garapon  – 2pc na Daga)
Manuel – 3:18sec / (#1 na Garapon  – #2, #3, #4, #5 na Garapon)

Note: Para sa ika-limang garapon; 5pc na Uod, 2pc Alakdan, 5pc Ipis, 1pc Daga at mga bulate. Sa hamon na ito ay dalawa ang nakaligtas at hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon, ito ay sina Rj at Jommy dahil silang dalawa ang naka kuha ng pinaka mabilis na oras sa hamon na ito.

Ika-labing siyam na Hamon: Caminata Sobre Palos

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 2, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ibig sabihin ng “Caminata Sobre Palos” ay “Pagtawid sa Ibabaw ng mga Troso”.  Sa hamon na ito ay kinakailangan akyatin ng mga participante ang unang troso, sa hudyat ni Ryan na (uno, dos, tres, ariba!) ay doon lamang maaaring mag simulang umakyat ang participante, oorasan ang kanilang pag-akyat. Kapag nasa tuk-tok na sila ay kinakailangan nilang tumayo ng tuwid at sumenyas na naka taas ang dalawang kamay, kapag nagawa nila ito ay aantayin nila ang senyales na (Vamos!). Sa pagkakataon na iyon ay muling mag uupisa ang oras ng participantes para kunin ang mga banderitas na nakakabit sa mga troso. Ang may pinaka mabilis ay siyang maliligtas at mapapasama na sa “Saistig”.

19th Stunt

Hindi naging madali para sa mga participantes ang hamon na ito dahil sa kalagitnaan ng kanilang hamon ay dumating ang pinaka kinakatakutan ng mga agentin na bagyo, ito ay ang Tormenta De Santarosa. Ang bagyong ito ay taon-taon dumarating sa Argentina at nag iiwan ng malaking pinsala, sa Buenos Aires ang pagdating nito ay tanda ng pagsisimula ng spring. Tumapat ang pagsasagawa ng unang hamon ng mga participantes sa pagdating ng kinakatakutang Tormenta De Santarosa, kaya’t maging ang mga Argentin staff ay nag alala sa kaligtasan ng mga Participantes. Pero napag desisyonan na walang pag hinto na magaganap.

Marion  – (1:34sec – Climbing Time / 0:43sec – 6 na Banderitas)
Manuel – (0:27sec – Climbing Time / 1:23sec – 6 na Banderitas)
Jommy – (0:53sec – Climbing Time / 2:25sec – 5 na Banderitas)
Lj         – (1:34sec – Climbing Time / 1:17sec – 5 na Banderitas)
Rj         – (1:46sec – Climbing Time / 2:01sec – 5 na Banderitas)
Janna   – (1:15sec – Climbing Time / 3:44sec – 5 na Banderitas) 
Savanah – (Sumuko)

Para sa hamon na ito ay isa lamang sa mga Participantes ang hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon, ito ay si Marion na nakakuha ng pinaka mabilis na oras, at dahil diyan siya ay automatic na mapapasama sa “Saistig”. Sa kabilang banda, dahil umayaw si Savanah sa hamon, siya ay automatic na mag lalaro sa ikatlong hamon ng Sexta Ronda De Eliminacion.