Archive for 20th Stunt

Ika-dalawangpu na Hamon: Kiosco De Dulce

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 7, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Para sa ika-dalawangpung hamon ng mga participantes ay ang “Kiosco De Dulce” na ang ibig-sabihin ay “Tindahan ng mga Candy”. Sa hamon na ito ay isa-isang pinapili ang mga participantes ng lolipop at sa likod nito ay may nakalagay na numero na nag sasaad kung pang ilang garapon ang kanilang kakainin. Kinakailangan na paisa-isa lamang ang kanilang pagkain dahil kapag hindi nila ito nginuya ng mabuti ay maari itong mag bara sa kanilang lalamunan. Mag uumpisa ang kanilang oras kapag nag simula na silang kumain at magtatapos naman ito kapag naubos na nila ang lahat ng kinakailangan nilang kainin. Kailangan din na walang laman ang kanilang bibig bago ihinto ang kanilang oras. Pabilisan ang magiging labanan, ang participantes na may pinaka maikling oras sa pagkain ng kanilang putahe ay siyang maliligtas at mapapasama sa “Saistig”.

20th Stunt

Ang bawat participante ay may kanya-kanyang numero, ito ay ayon sa kanilang nabunot. Ang bawat numero ay kumakatawan sa mga garapon na nag lalaman ng ibat-ibang uri ng mga hayop at ito ang kinakailangan nilang kainin. Ang pang limang garapon ay nag lalaman ng Uod, ang ika-apat naman ay Alakdan, ang pangatlo ay Ipis, ang pang apat ay Daga at ang pang lima naman ay walang laman, sapagkat ang participantes na makakakuha ng ika unang garapon ay kinakailangan kainin ang lahat ng nasa garapon mag mula ikalawa hanggang sa ikalima.

Janna  – 4:14sec / (#5 na Garapon  – 20pc na Uod)
Jommy – 2:21sec / (#4 na Garapon  – 10pc na Alakdan)
Lj         – 3:22sec / (#3 na Garapon  – 20pc na Ipis)
Rj         – 1:28sec / (#2 na Garapon  – 2pc na Daga)
Manuel – 3:18sec / (#1 na Garapon  – #2, #3, #4, #5 na Garapon)

Note: Para sa ika-limang garapon; 5pc na Uod, 2pc Alakdan, 5pc Ipis, 1pc Daga at mga bulate. Sa hamon na ito ay dalawa ang nakaligtas at hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon, ito ay sina Rj at Jommy dahil silang dalawa ang naka kuha ng pinaka mabilis na oras sa hamon na ito.

Advertisements

Pinoy Fear Factor

Posted in Pinoy Fear Factor, Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , on November 11, 2008 by EternalLance

 

Pinoy Fear Factor Logo

Ano ang Pinoy Fear Factor?

Ang Fear Factor ay isang reality game show na ang mga kalahok o doseng participantes ay kinakailangang harapin ang kanilang mga takot sa pamamagitan ng pagsubok sa mga stunts o hamon. Isa itong kompetisyon kung saan matira ang matibay dahil sa huli ang pinaka madiskarte na kinaya mapataob ang kanyang mga takot at siyang nag iisang mag uuwi ng premyo.

Now or Never ang unang titolo ng Fear Factor at ginawa ito sa Netherlands noong 1998. Noong 2001 ng unang gawin ang programa sa Estados Unidos ay tinawag itong Fear Factor. Ipinalabas na ang Fear Factor sa mahigit Isang Daan Dalawangpung bansa(120) sa buong mundo, bukod sa Estados Unidos halos lahat ng bansa na nag palabas nito ay ginawa ang Programa sa South Africa, Siberia at Argentina. Ang tatlong Fear Factor House.

Sa Argentina pang-tatlumpu na ang lahing Pinoy na mag papakita doon ng tapang. Dahil sa lubhang mapanganib ang bawat hamon at ang isang pagkakamali ay maaaring ipagbuwis ng buhay, kaya’t dinisenyo ang mga ito at isinasagawa sa ilalim ng pamamahala ng mga dalubhasa mula sa Endemol Argentina.

– Doseng Participantes na nag mula sa ibat-ibang antas ng buhay, ibat-iba ang mga karanasan, ibat-iba ang mga layunin at ibat-iba ang mga pangarap. Pansamantala nilang iiniwan ang kanilang mga buhay at mga minamahal dito sa Pilipinas, para sa natatanging karanasan ng kanikanilang mga buhay, para sa kakaibang pakikipag sapalaran laban sa kani-kanilang mga takot. Sama-sama silang maninirahan sa El Campo Miedo o Campo ng takot sa Buenos Aires Argentina para sa pagkakataong manalo ng Dalawang Milyong Piso(P2 Million), Bahay at Lupa at tanghaling El Ultimo Participante at patunayan sa buong mundo ang kakaibang tapang ng lahing Pilipino.

Elimination Round

Sa bawat Ronda De Eliminacion o Elimination Round haharap ang mga Participantes sa tatlong hamon na nag lalayong patumbahin ang kani-kanilang mga takot.

Lahat ng Participantes ay mag lalaro sa unang hamon, pero sa pagtatapos noon ay meron ng makakaiwas peligro. Ang makakaiwas peligro ay ang mga Participantes na may magandang record sa katatapos na hamon at hindi na manganganib na matanggal sa isinasagawang elimination round.

Samantala ang mga umayaw dahil sa takot, hindi natapos ang stunt o kaya naman ay nangulelat, ay maglalaro sa pangalawang hamon, at ang Participantes na muling papalpak sa pangalawang hamon ang tuluyang mamimiligro, dahil sila ang maghaharap sa pangatlong hamon, dito rin malalaman kung sino ang tuluyan ng uuwi sa Pilipinas.

Ronda sin de eliminacion

Sa Ronda sin de eliminacion kung saan walang matatanggal at sa halip ay mag lalaban sila para sa iba pang gantimpala at ang mahihinag Participantes ay malalagas sa bawat hamon, at sa dulo’y ang nag pakita lang ng galing ang mag haharap-harap para sa premyo.

Click -> Pinoy Fear Factor: The Participantes
Click -> Pinoy Fear Factor: 1st Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 2nd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 3rd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 4th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 5th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 6th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 7th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 8th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 9th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 10th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 11th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 12th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 13th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 14th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 15th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 16th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 17th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 18th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 19th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 20th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 21st Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 22nd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 23rd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 24th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 25th Stunt