Archive for PBB: Teen Edition Plus

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 26, 2008 by EternalLance

April 26, 2008

3rd Eviction Night

Dumating na ang itinakdang panahon kung saan ay may kinakailangan ng lumabas ng bahay ni kuya. Sa mga nagdaang araw ay marami ang nangyari, merong malungkot at meron ding masaya, pero isa ang tumatak sa karamihan. Ito ay ang pag-aaway nila tita Anna at daddy John na umabot hanggang sa mga teen housemates. Dahil sa mga nangyari ay nag desisyon na itong si Kevin at ang kanyang daddy John na mag voluntary exit.

Kevin The Spanish Stallion

Ngunit bago pa man dumating ang araw na ito ay nakipag-ayos na itong si daddy John kay tita Anna at kay Josef na nakainitan ng ulo nitong mga nagdaan na araw.

Advertisements

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 25, 2008 by EternalLance

April 25,2008

It’s Jolas Birthday

Sa araw na ito ay maagang nagising si Jolas, ngayon kasi ang kanyang kaarawan, maaga itong naghanda at maaga rin siyang binati ng kanyang mga kasamahan. Habang nag aayos para sa kanilang almusal ang mga teen housemates ay ipinatawag naman ni kuya ang ama ni Jolas na si daddy Ike. Napag-usapan nila ang tungkol kay Jolas at sa kanilang pag-uusap ay natuklasan ni kuya na mula pagkabata ay hindi pa nakakatanggap itong si Jolas ng cake sa tuwing sumasapit ang kaarawan nito. Dahil dito ay isang surpresa ang dinala ni daddy Ike para kay Jolas, at ito nga ay ang isang cake.

Nagluto rin ang mommy ni Jolas ng paborito nito na adobong paa ng manok, at ng makita ito ni Jolas ay tuwang-tuwa ito na siya rin namang pinag-saluhan ng iba pang housemates. 

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , , on April 24, 2008 by EternalLance

April 24, 2008

Fall Into Pieces Part II

Kagabi sa Primetimebida ay nakita ng lahat ang paghihirap ni Ejay at Valerie sa pagbuo ng nabasag na tasa, pero ng matapos nila itong buohin ay muli itong nabasag. Sa pagkakataon na ito ay kinakailangan nilang buohin muli ang tasa sa itinakdang oras, at kapag hindi nila ito magawa ay hindi na sila maaaring bumalik sa main house.

Si Ejay, nahirapan sa pagtanggal ng tasa sa lamesa kaya naman ay mas lalo itong nabasag ng pinilit nitong tanggalin. Magkagayon man ay pilit parin ito binuo ni Ejay at Valerie sa itinakdang oras. Natensyon ang lahat ng mag-umpisa si kuya na magbilang pero hindi parin nila natatapos buohin ang tasa. Naging maganda ang resulta dahil natapos naman nila ito sa itinakdang oras, at gaya nga ng ipinangako ni kuya ay maaari ng bumalik sa main house ang mga teen housemate. Pero nataranta ang lahat ng malaman nila na kinakailangan nilang gawin ang paglilipat sa lobb lamang ng 5 minuto, at kapag hindi sila nakalipat sa itinakdang oras ay hindi na sila muling makakabalik sa main house.

Final Decision

Dahil sa lumalala at lumalaking away ay nagdesisyon na si Kevin at at daddy John na mag voluntary exit. Maraming beses na tinanong ni kuya kung talagang desedido ang mga ito na mag voluntary exit, pero talagang nanindigan ang dalawa sa kanilang desisyon. Iginagalang naman ni kuya ang desisyon ng dalawa at agad naman nitong sinuportahan at inaprubahan.

Kaya ang botohan ay pansamantalang itinitigil para sa darating na sabado. Dahil si Kevin The Spanish Stallion ng Madrid Spain ay nag pasya ng mag voluntary exit.

PBA vs PBB

Para sa nalalapit na kaarawan ni Jolas ay inimbitahan ni kuya ang mga idolo nito at ng kanyang ama na si daddy Ike sina Continue reading

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 23, 2008 by EternalLance

April 23,2008

Fall Into Pieces

Kanina sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ay mag-kasamang naghuhugas ng kanilang pinagkainan si Ejay at Valerie. Habang naghuhugas ang mga ito ay muling naka basag si Ejay ng tasa. Dahil sa pangyayaring iyon ay ipinatawag ni kuya si Ejay at Valerie upang alamin ang nangyari, at matapos ang palinawagan ay binigyan sila ni kuya ng isang kaparusahan. Kinakailangan ay muli nilang ayusin at buohin ang nabasag nilang tasa ng magkadikit ang kanilang mga kamay.

Sa una ay nadadalian sina Ejay at Valerie sa kanilang ginagawa, pero habang tumatagal ay unti-unti narin nilang nararamdaman ang hirap. Si Ejay, dahil nga sa hirap ito na mag english ay bibihira lang nito kausapin si Valerie, na ang gusto naman ni kuya ay magusap ang dalawa habang tinatapos ang kanilang ginagawa.

Pagkalipas ng ilang oras ay natapos narin nilang buohin ang tasa, at ng ipinadala na ni kuya ang kanilang ginawa ay hindi nila ito magawa dahil dumikit na ito sa lamesa. Sinubukan ni Ejay na tanggalin ang pagkakadikit ng tasa, pero ang resulta ay muli itong nabasag.

Matapos pa kaya nila Ejay ang at Valerie ang pagbuo sa nabasag na tasa?, ano kaya ang naghihintay na kaparusahan kung sakaling hindi nila ito matapos?…Yan at madami pang eksena ang pakasubay-bayan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

John VS Anna

Sa mga nakalipas na araw ng mga teen housemates at ng guardians sa loob ng bahay ni kuya ay mayroong mga pangyayari na hindi maiiwasan, at ito nga ay ang hindi Continue reading

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 20, 2008 by EternalLance

April 20,2008

3rd Nomination Night

Sa ikatlong pagkakataon ay muling nahaharap ang mga teen housemates sa isang matinding pagsubok. At ito nga ay ang pag nominado sa kanilang mga kasamahan. Sa ngayon ay tatlo ang nanganganib na mapalabas ng bahay ni kuya, at ito ay sina…

Josef                   Kevin                Nicole

Josef The Lethal LassaliteKevin The Spanish StallionNicole The In-Chick

Dahil sa nakasama at nakilala na ng mga guardians ang mga teen housemates ay isinama narin ni kuya ang mga ito sa nominasyon ng teens. Si Josef ang nakakuha ng pinaka mataas na boto sa mga guardians na naglagay sa kanya upang mapasama sa listahan ng mga nominado. Si Kevin naman sa mga teens ang nakakuha ng pinaka mataas na boto at ang sumunod dito ay si Nicole.

Sino kaya kina Josef, Kevin at Nicole ang sa tingin mo ay karapat dapat na manatili sa loob ng bahay ni kuya?

To Vote:

Type PBB<space><name of housemates> and send to 2331 for GLobe, TM and Bayan Wireless Landline

and 231 for Smart and Talk’n Text Subscribers

For online voting: visit www.pinoybigbrother.com

“Dahil ang gusto ni kuya ikaw ang mag dedesisyon”

 

Welcome New Housemate

Kasabay ng nominasyon kagabi ay ang pagpasok din ng isang bagong housematee. Si Continue reading

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on April 19, 2008 by EternalLance

April 19,2008

Three Blind Mice

Nitong nakaraang linggo ay muling binigyan ni kuya ang mga teen housemates ng kanilang weekly task, at ito nga ay ang pagkabisado sa isang maze kung saan ay nakatakip ang kanilang mata. Bawat araw ay binibigyan ni kuya ng oras ang mga teen housemates upang mag practice at makabisado ng mga ito ang maze.

Pero ang mga teen housemates ay mukhang hindi seryoso sa kanilang task. Kaya naman ng dumating na ang araw kung saan gagawin na nila ang task ay muling nabigo ang mga ito. Ang resulta ay muling mababawasan ang kanilang budget ng 50%, pero ang tanong ng buong bayan ay kelan kaya mag seseryoso ang mga teen housemates sa kanilang task?, kelan kaya sila mananalo?, subaybayan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on April 18, 2008 by EternalLance

April 18, 2008

Voluntary Exit

Noong nakaraang linggo ay nakasama ni Linda ang kanyang ama, at sa araw na iyon ay madami silang napagusapan. Nagkaroon din ng pagkakataon ang ama at ina ni Linda upang magusap, madalas kasi na hindi magkasundo ang mga magulang nito kaya naman ay gumawa na itong si Linda ng paraan upang mag kaayos at magkausap ang kanyang mga magulang.

Matapos ang ilang araw ay muling naisip ni Linda ang kanyang mga magulang at kapatid, kaya naman ay kinausap nito si kuya upang ipaalam ang kanyang nararamdaman, at ito nga ay ang pag nanais nito na mag voluntary exit. Si Linda ay nominado para sa darating na 2nd Eviction night sa sabado, pero dahil nga sa gusto nitong mag voluntary exit ay mukhang mapapaaga ang eviction sa bahay ni kuya.

Ninanais ni Linda na mag voluntary sa kadahilanan na gusto nitong ayusin ang problema sa kanilang pamilya habang hindi pa tuluyang umaalis ng bansa ang kanyang ama, bukod dito ay gusto rin ni Linda na mabuo ang kanyang pamilya habang bata pa ang kanyang kapatid, dahil ayaw nito na maranasan ng kanyang kapatid ang naranasan ni Linda.

Linda the bikini babe

Kaya naman Linda…mula sa kay kuya at sa aming lahat ay saludo kami sayo!…At dahil nga sa ginawang voluntary exit ni Linda ay hindi na matutuloy ang eviction bukas. Ibig sabihin nito ay ligtas na si Kevin na mapalabas ng bahay ni kuya.

Sundan ang iba pang kaganapan sa loob ng bahay ni kuya, dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.