Archive for Ikalawang Hamon

Ikalawang Hamon: Ojos De Vaca En Cangrejos

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , on November 13, 2008 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ibis sabihin ng “Ojos De Vaca En Cangrejos” ay “Mga mata ng baka sa mga talangka”. Ito ang ikalawang hamon ng mga Participantes, at sa pagkakataong ito ay labing isa (11) lang sila na mag lalaban-laban. Maiiwan si Phem sa El Campo Miedo dahil siya ang nanguna sa una nilang hamon, kaya naman binigyan ito ng panahon na makapag pahinga at makaligtas sa Una Ronda De Eliminacion.

Pabilisan ang labanan, ang bawat isa sa mga Participantes ay mag hahagis ng dice at dito nila malalaman kung anong hamon ang kanilang gagawin. Kapag mata ng baka ang kanilang napili, ay kinakailangan nilang ilipat ang limang piraso ng mata ng baka sa kabilang lalagyan, at kapag talangka naman ang kanilang napili ay kinakailangan nilang ilipat ang sampung pirasong(10) talangka sa kabilang lalagyan. Ang nasabing hamon ay gagawin ng mga Participantes sa pamamagitan ng kanilang bibig. Ang pinaka mabagal at kulelat sa lahat ay ang siyang mapapasama para sa ikatlong hamon. 

2nd Stunt

Malangsa ang mata ng baka at matatalas naman ang sipit ng talangka, kaya naman wala ni isa sa mga Participantes ang hindi nagalusan at nasaktan. Magkagayon man ay hindi ito inalintana ng mga Participantes at sa halip ay madali nila itong natapos.

23sec – Janna
25sec – Jommy
25sec – Zavannah
26sec – Manuel
30sec – Ram
36sec – Rj
51sec – Jose
1.19min – Lj
1.20min – Elmer
1.27min – Marion
2.46min – Gail

Sina Elmer, Marion at Gail ang nangulelat sa mga Participantes, kaya naman silang tatlo ang mapapasama sa ikatlong hamon, at isa sa kanila ang manganganib na mapabalik sa bansang Pilipinas.

Sino kina Elmer, Marion at Gail ang kauna-unahang Participantes na mapapabalik ng Pilipinas?…tunghayan dito lang sa Pinoy Fear Factor: Argentina South America.

Pinoy Fear Factor

Posted in Pinoy Fear Factor, Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , on November 11, 2008 by EternalLance

 

Pinoy Fear Factor Logo

Ano ang Pinoy Fear Factor?

Ang Fear Factor ay isang reality game show na ang mga kalahok o doseng participantes ay kinakailangang harapin ang kanilang mga takot sa pamamagitan ng pagsubok sa mga stunts o hamon. Isa itong kompetisyon kung saan matira ang matibay dahil sa huli ang pinaka madiskarte na kinaya mapataob ang kanyang mga takot at siyang nag iisang mag uuwi ng premyo.

Now or Never ang unang titolo ng Fear Factor at ginawa ito sa Netherlands noong 1998. Noong 2001 ng unang gawin ang programa sa Estados Unidos ay tinawag itong Fear Factor. Ipinalabas na ang Fear Factor sa mahigit Isang Daan Dalawangpung bansa(120) sa buong mundo, bukod sa Estados Unidos halos lahat ng bansa na nag palabas nito ay ginawa ang Programa sa South Africa, Siberia at Argentina. Ang tatlong Fear Factor House.

Sa Argentina pang-tatlumpu na ang lahing Pinoy na mag papakita doon ng tapang. Dahil sa lubhang mapanganib ang bawat hamon at ang isang pagkakamali ay maaaring ipagbuwis ng buhay, kaya’t dinisenyo ang mga ito at isinasagawa sa ilalim ng pamamahala ng mga dalubhasa mula sa Endemol Argentina.

– Doseng Participantes na nag mula sa ibat-ibang antas ng buhay, ibat-iba ang mga karanasan, ibat-iba ang mga layunin at ibat-iba ang mga pangarap. Pansamantala nilang iiniwan ang kanilang mga buhay at mga minamahal dito sa Pilipinas, para sa natatanging karanasan ng kanikanilang mga buhay, para sa kakaibang pakikipag sapalaran laban sa kani-kanilang mga takot. Sama-sama silang maninirahan sa El Campo Miedo o Campo ng takot sa Buenos Aires Argentina para sa pagkakataong manalo ng Dalawang Milyong Piso(P2 Million), Bahay at Lupa at tanghaling El Ultimo Participante at patunayan sa buong mundo ang kakaibang tapang ng lahing Pilipino.

Elimination Round

Sa bawat Ronda De Eliminacion o Elimination Round haharap ang mga Participantes sa tatlong hamon na nag lalayong patumbahin ang kani-kanilang mga takot.

Lahat ng Participantes ay mag lalaro sa unang hamon, pero sa pagtatapos noon ay meron ng makakaiwas peligro. Ang makakaiwas peligro ay ang mga Participantes na may magandang record sa katatapos na hamon at hindi na manganganib na matanggal sa isinasagawang elimination round.

Samantala ang mga umayaw dahil sa takot, hindi natapos ang stunt o kaya naman ay nangulelat, ay maglalaro sa pangalawang hamon, at ang Participantes na muling papalpak sa pangalawang hamon ang tuluyang mamimiligro, dahil sila ang maghaharap sa pangatlong hamon, dito rin malalaman kung sino ang tuluyan ng uuwi sa Pilipinas.

Ronda sin de eliminacion

Sa Ronda sin de eliminacion kung saan walang matatanggal at sa halip ay mag lalaban sila para sa iba pang gantimpala at ang mahihinag Participantes ay malalagas sa bawat hamon, at sa dulo’y ang nag pakita lang ng galing ang mag haharap-harap para sa premyo.

Click -> Pinoy Fear Factor: The Participantes
Click -> Pinoy Fear Factor: 1st Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 2nd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 3rd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 4th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 5th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 6th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 7th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 8th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 9th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 10th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 11th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 12th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 13th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 14th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 15th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 16th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 17th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 18th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 19th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 20th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 21st Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 22nd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 23rd Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 24th Stunt
Click -> Pinoy Fear Factor: 25th Stunt