Pinoy Fear Factor: Ang Huling Linggo

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , , on February 18, 2009 by EternalLance

pinoy-fear-factor-ang-huling-laban

Ito na ang huling linggo ng Pinoy Fear Factor at dahil apat pa silang nag lalaban-laban at dalawa lang ang mag haharap sa El Ultimo Duelo, sa pagtatapos ng bawat hamon ng ronda eliminacion ay may isang matatanggal. Kaya’t mahalaga ang kanilang bawat galaw at kanilang desisyon dahil ang mangungulelat ay mauubusan na ng pagkakataong makabawi at wala ng aasahang bukas sa Buenos Aires. Sino kina Manuel, Jommy, Marion at Janna ang matitira at maghaharap para sa El Ultimo Duelo.

The Fear Less Four

Enterado Vivo (Pagkakalibing ng Buhay) – Ito ang unang hamon sa huling ronda tungo sa El Ultimo Duelo. Ang kinakailangan gawin ng mga participantes ay isalba ang kanilang sarili mula sa pagkakalibing ng buhay. Sa hamon na ito ay ibabaon sila sa ilalim ng lupa, at kapag sila ay nasa ilalim na, kinakailangan nilang manatili doon ng limang minuto. Kapag naramdaman na nila na bumagsak ang lupa sa kanilang paa ay doon lamang nila uumpisahang mag paghuhukay para makalabas. Sa oras na makalabas ang participante ay kinakailangan nilang hawakan ang logo ng Pinoy Fear Factor. Pabilisan ang magiging labanan dahil ang pinaka kulelat ay mawawalan na ng pagkakataong makasama sa El Ultimo Duelo.

Huling Hamon

Para sa hamon na ito ay si Janna ay pinapili ni Ryan kung sinong participante ang gusto nito na mauna. Si Jommy ang pinili ni Janna na mauna at kasunod nito ay si Manuel, Marion at Janna. Sino sa kanilang apat ang matatanggal at hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon…

Huling Hamon

Natapos ng mga participante ang hamon at dalawa sa kanila ang nameligro, ito ay sina Janna at Manuel. Sa kalagitnaan ng kanilang hamon ay natabunan ng buhangin si Janna, samantalang si Manuel naman ay naipit kaya’t naging dahilan ito para tumagal ang kanilang oras. Pero sa pagtatapos ng hamon ay isa lamang sa kanilang dalawa ang mananatili at mag papatuloy para sa susunod na hamon. Narito ang nakuha nilang oras…

Marion – 3:53sec (New Fear Factor World Record)
Jommy – 4:40sec
Janna – 7:43sec
Manuel – 8:23sec (Eliminated)

huling-hamon-eliminated-manuel

Sino sa mga natitirang Participantes ang karapat-dapat manatili at mag patuloy sa susunod na hamon?…Abangan!…Ang lahat ng yan dito lang sa Pinoy Fear Factor Argentina South America. ^_~

Ika-tatlongpu na Hamon: Pared Giratoria

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on February 13, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-tatlongpu na hamon ng mga participantes ay ang “Pared Giratoria” na ang ibig-sabihin ay “Umiikot na Pader”. Sa hamon na ito ay susubukan ng mga participantes na hindi malaglag sa pader habang ito ay umiikot. Sampung minuto(10mins) ang kanilang itatagal, ang makakagawa ng pinaka maraming rebolusyon o pagikot ng pader ay siyang maliligtas at mag papatuloy para sa El Ultimo Duelo. Habang ang pinaka kulelat naman ay siyang uuwi ng Pilipinas.

30th Stunt

Hindi naging madali ang hamon na ito para sa mga participantes, dahil bukod sa eliminacion ang round na ito ay nalalapit na rin ang pagtatapos kung saan malalaman kung sino sa mga natitirang participantes ang tatanghaling El Ultimo Participante.

Para sa hamon na ito ay si Savanah ang na tanggal. Sino kina Janna, Marion, Jommy at Manuel and tatanghalin El Ultimo Participante? Abangan dito lang sa Pinoy Fear Factor Argentina South America

Ika-dalawangput Siyam na Hamon: Cinta Transportadora De Fruitisias

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on February 10, 2009 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-dalawangput Siyam na Hamon ng mga participantes ay ang “Cinta Transportadora De Fruitisias” na ang ibig-sabihin ay “Strawberry Conveyor Belt”. Sa hamon na ito ay kinakailangan na saluhin ng mga participantes ang mga strawberry na babagsak. Pero dahil nalalapit na ang Ultimo Duelo, ay magiging mahirap na ang mga susunod na hamon. Sa hamon na ito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga Participantes na guluhin ang laro ng kanilang kasamahan, dalawang grupo ang binuo at sa bawat grupo na ito ay dalawang participantes ang mag kasama. Habang ang isa ay sasalo ng strawberry, ang isa naman ay manggugulo, at ito ay sa pamamagitan ng pag lalagay ng mga panggulo sa paligid ng strawberry. Ang participantes na makakakuha ng pinaka maraming strawberry ay maliligtas na para sa susunod na hamon.

29th Stunt

Para sa hamon na ito ay isang participantes lang ang maliligtas at hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon.

Jommy   – 8 Strawberries
Janna    – 8 Strawberries
Marion   – 6 Strawberries
Savanah – 1 Strawberry

Dahil sa parehong otso na strawberry ang nakuha nila Jommy at Janna, isang desisyon ang naging dahilan ng pag-aaway nila Jommy at Manuel. Sa naunang hamon ay si Manuel lang ang nakaligtas kaya’t pasok na ito para sa huling ronda de eliminacion, sa naganap naman na hamon ngayon ay si Manuel ang pinagawa ng desisyon kung sino kina Jommy at Janna ang maliligtas at hindi na mag papatuloy para sa susunod. Dahil nga si Janna ang pinili ni Manuel ay nainis itong si Jommy at sinasabi na plastic daw itong si Manuel, kaya lng daw niya iniligtas si Janna ay “para mahina ang makalaban nito sa huling hamon na kanilang gagawin“.  Samantalang ang rason ni Manuel kung bakit nito iniligtas si Janna ay binase nito ang mga nakuha nilang strawberry. Bukod kasi sa walong strawberry na nakuha ni Janna ay marami itong nakuha ngaunit hindi nga lang pumasok sa loob ng kahon.

Ika-dalawangput walong Hamon: Atrasado Por Un Caballo

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , , , on February 3, 2009 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-dalawangput walong hamon ay ang “Atrasado Por Un Caballo” na ang ibig-sabihin ay “Paghatak ng Kabayo sa Putik”. Para sa hamon na ito kakaladkarin ang mga participantes ng kabayo sa putik na may dumi ng hayop. Kinakailangan na humawak ang mga participantes sa dulo ng lubid at sa hudyat ay magsisimula silang kaladkarin. Ang participantes na may pinaka maraming ikot na hindi bumibitaw sa lubid ay siyang makaka-iwas peligro.

28th Stunt

Naging mahirap para sa mga participantes ang hamon na ito, dahil bukod sa mga dumi na dala ng putik  ay naging mabilis din ang pagtakbo ng kabayo na naging sanhi para magkaroon sila ng mga galos at sugat sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Manuel   – 1:01sec
Jommy   – 54sec
Marion    – 39sec
Janna      – 5sec
Savanah – 3sec

Ika-dalawangput Anim na Hamon: Kahon ng Sindak

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , on January 23, 2009 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Sa Kahon ng Sindak ay kinakailangan na harapin ng mga Participante ang kanilang takot sa Daga, Palaka at Ahas. Dahil sa pagsisimula ng hamon ay kinakailangan nilang pumili ng isang card. Sa card na ito malalaman kung ano ang ilalagay sa kanilang ulo, paa at katawan. Hihiga ang participantes sa isang kahon na parang kabaong, nakahati ito sa tatlo, ang isa ay sa ulo, ang isa ay sa katawan habang ang isa naman ay sa paa. Dito ilalagay ang mga daga, palaka at ahas. Para sa hamon na ito ay kinakailangan nilang ilipat ang labing limang palaka sa isang kahon na nasa tabi ng kanilang hinihigaan, paunahan ang magiging labanan, ang may pinaka mabilis na oras ay siyang maliligtas, habang ang mangungulelat naman ay mag papatuloy para sa susunod na eliminacion.

Janna   – 1:45sec / 14 Palaka
Manuel – 1:47sec / 15 Palaka
Rj         – 49sec 13 Palaka
Savanah – 3mins / 12 Palaka

Ika-dalawangput Limang Hamon: Cofre En El Agua

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 20, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang Ika-labing Dalawangput limang Hamon ng mga Participantes ay ang “Cofre En El Agua” na ang ibig sabihin ay “Kabaong sa Tubig”. Sa hamon na ito ay ilalagay sa loob ng kabaong ang mga Participantes at ilulubog sila sa tubig, kapag sumindi ang ilaw na mag sisilbi nilang sinyales ay doon lamang nila maaaring buksan ang kandado.  Sa kanilang paglubog ay hawak-hawak na nila ang tatlong susi at isa lamang dito ang mag papabukas sa kandado. Pabilisan ang magiging labanan, kapag nabuksan na nila ang kandado ay kinakailangan nilang lumabas dito at lumangoy papunta sa logo ng Pinoy Fear Factor. Ang may pinaka mabilis na oras ay ang siyang maliligtas at hindi na mag papatuloy para sa susunod na hamon.

25th Stunt

Hindi naging madali sa mga participantes ang hamon na ito dahil bukod sa malamig ang tubig ay nauubusan na sila ng hininga bago pa mag umpisa ang kanilang hamon.

Marion     – 19sec
Jommy     – 20sec
Manuel    – 268sec
Savanah – 31sec
Janna     – 42sec
Rj           – Sumuko

Ika-dalawangput Apat na Hamon: Reingresar En El Camio

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 16, 2009 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Reingresar En El Camio” Ang Ika-dalawangput Apat na Hamon. Sa hamon na ito ay kinakailangan na mag maneho ang mga Participantes palabas ng container track, at mag mula doon ay kailangan nilang habulin ang track at imaneho ang kanilang sasakyan papasok muli sa container track. Ang participantes na makakakuha ng pinaka mabilis na oras ay ang siyang mag uuwi ng P50,000.00.

24th Stunt

Sa hamon na ito dalawang Participantes ang naglaban para sa pabuya, ito ay sina Jommy at Manuel. Si Manuel ang unang gumawa ng hamon at dahil sa hindi inaaasahang pangyayari ay huminto ang kanyang sasakyang sa kalagitnaan ng kanyang hamon, at dahil dito ay tumagal ang kanyang oras. Sa kabilang banda ay nagawa naman ni Jommy na ipasok ang sasakyan sa container track na mas mabilis kumpara sa oras na nagawa ni Manuel. Pero dahil narin sa hindi sanay si Jommy na mag maneho ay nakalimutan nito na ibreak ang sasakyan at dahil dito ay muntik ng maaksidente ang mga Argentin Staff na nasa loob din ng container track. –Para sa hamon na ito ay si Jommy ang nanalo at naka paguwi ng P50,000.00 para sa huling Ronda Sin De Eliminacion ng Pinoy Fear Factor.