Archive for Preparing For A Big Date

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 29, 2008 by EternalLance

April 29,2008

Punishment Day

Sa mga nag daang linggo ay kapansin-pansin ang mga violations na ginagawa ng mga housemates. Dahil dito ay dumating na ang itinakdang panahon upang singilin ang mga teen housemates sa ginawang violations ng guardians at ng kapwa teen housemates. Sa una ay nagbunutan ang mga teens, kung sino ang mauunang gumawa ng punishment at ang dalawa na makakakuha ng pulang feather ay ang gagawa ng paunang parusa.

Si Priscilla at Nicole ang nakakuha ng pulang feather kaya naman ay silang dalawa ang gagawa ng punishment. Para sa paunang parusa ay kinakailangan nila maging human rooster dahil isa sa hirap na hirap gawin ng mga teen housemates ang paggising sa umaga o sa wake up call. Gigisingin nila ang mga kasamahan sa pamamagitan ng tilaok ng manok sa tuwing mayroong nakakatulog.

Bukod kay Priscilla at Nicole ay nabigyan din ng parusa si Josef dahil sa violation ng kanyang tita na pagsusuot ng shades. Dahil dito ay kinakailangan ni Josef mag suot ng isang googles na may lamang isda. Hindi naging madali kay Josef ang kanyang punishment dahil sa tuwing may gusto itong gawin ay hindi nito magawa ng maayos.

Preparing For A Big Date

Pansin ng lahat ang pagiging close nila si Ejay at Valerie nitong mga nagdaang araw. Pero dahil narin sa hindi gaano marunong itong si Ejay na mag English ay hindi nito masabi ang kanyang gustong sabihin.

Matapos ang matagal na paghihitay, sa wakas ay nakapag desisyon na Continue reading

Advertisements