Archive for Pinoy Big Brother Teen Edition Plus

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 25, 2008 by EternalLance

May 25,2008

8th Nomination Night

Dahil sa nalalapit na Big Night ay lalong tumitindi ang mga task at hamon na ibinibigay ni Kuya, at para sa gabing ito ay muling humarap sa matinding desisyon ang mga teen housemates. Ito ay ang harapang nominasyon.

Matapos ang nakakatensyon na pagnonominate ay tatlo sa mga teens ang nanganganib na mapalabas ng bahay ni kuya sa darating na wednesday.

Robi                     Nicole                 Valerie

Robi - The-Blue AtenistaNicole - The In-ChickValerie - The Dazzling Doll

Sino kina Robi, Nicole at Valerie ang nais mo pang manatili sa loob ng bahay ni kuya?

To Vote:

PBB<space><name of housemate> and send to 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless Landline

231 for Smart and Talk’n Text Subscribers

“Dahil ang gusto ni kuya, ikaw ang mag dedesisyon!”

Advertisements

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 24, 2008 by EternalLance

May 24,2008

7th Eviction Night

Dumating na ang itinakdang panahon kung saan ay mayroon ng kinakailangan lumabas ng bahay ni kuya. Sino kina Robi at Rona ang iniligtas ng taong bayan?, Sino sa kanilang dalawa ang nakakuha ng pinaka mataas na boto?

Para sa gabing ito ay dalawa ang pinagpilian ng taong bayan. Ang isang housemate ay nakakuha ng 57.11% of votes, habang ang isa ay nakakuha naman ng 42.89% of votes. Dahil sa ipinamalas na galing ng mga teen housemates sa nagdaang island adventure ay labis na nasiyahan at humanga ang taong bayan. Dahil dito ay isa ang mas hinangaan at mas ibinoto ng karamihan…at ito ay walang iba kundi si Robi…Kaya naman si Rona ang evictee ngayong gabi.

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 22, 2008 by EternalLance

May 22,2008

Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: The Puerto Princesa Island Adventure – Part 3

Pagkagising ng mga island housemates ay agad na pumunta sina Beauty, Ejay at Nan sa confession room upang kausapin si kuya tungkol sa pagkawala ng isa nilang kasamahan na si Valerie. Dahil dito ay agad na ibinigay ni kuya ang kanilang task, kinakailangan nilang pumunta sa dagat at hanapin ang galon kung saan nila kukunin ang mga clue at kagamitan para makita si Valerie.

Matapos na makuha ang lahat ng kakailanganin ay agad na nag handa ang mga teens housemate para maumpisahan ang paglalakbay at pagliligtas kay Valerie. Una nilang ginawa ay pinag-aralan ang mapa at ang direksyon na kanilang pupuntahan. Matapos ang kanilang pag-aaral at obserbasyon ay agad na nilang sinimulan ang paglalakad. Masukal, matarik at mapanganib, yan ang mga pinagdaanan nila Beauty, Nan at Ejay para lang mailigtas ang isa nilang kasamahan na si Valerie. Matapos ang nakakapagod at mahabang paglalakbay ay sawakas narating din nila ang isla kung saan dinala si Valerie, mag-gagabi na ng sila ay makabalik sa kanilang bahay.

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 21, 2008 by EternalLance

May 21,2008

Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: The Puerto Princesa Island Adventure – Part 2

Sa ikalawang araw ng island housemates ay nabalot ng pagtataka at pag-aalala ang kanilang umaga, dahil sa pag-gising ng mga ito ay wala na ang isa nilang kasamahan na si Valerie. Magkagayon man ay tuloy parin sina Beauty, Ejay at Nan na umpisahan ang kanilang task. Para sa araw na ito ay kinakailangan nilang puntahan ang taga pangalaga ng mangrove, at para magawa nila ito ay kinakailangan nilang sumakay ng bangka. Matapos ang mahabang pag-sagwan at mag palutang-lutang sa tubig ay narating din nila kung saan ay naroroon ang taga pangalaga ng mangrove, dito ay tinuruan sila kung paano alagaan ang kalikasan at ang karagatan. Bago sila umalis ay nagtanim ang mga housemates ng bakawan.

Sumunod na task ng mga island housemate ay ang paghahanap sa tamilok (Ang tamilok ay isang uri ng uod, na matatagpuan sa loob ng mga patay na sanga ng puno), Kinakailangan na mapuno ng mga island housemate ang dala nilang bao (Ang bao ay isang uri ng lalagyan). Matapos ang paghahanap ay pumunta na sila sa huling bahagi ng kanilang task, at ito ay ang pagkain sa tamilok. Nandidiri man ang mga teens ay walang nagawa ang mga ito kundi kainin ang kinuha nilang tamilok.

You Can Watch The Island Adventure of Teen Housemates: Just click the links

Part 1 / Part 2 / Part 3 / Part 4 / Part 5 / Part 6 / Part 7

Courtesy of You Tube

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 20, 2008 by EternalLance

May 20,2008

The Pinoy Big Brother Puerto Princesa Island Adventure

Sa naunang edisyon ng Pinoy Big Brother Teen Edition 1 ay nagkaroon din ng island adventure ang mga teens, at ginanap ito sa hundred island. Ngayon ay dumating na ang takdang panahon kung saan ay muling lalabas ng bahay ni kuya ang mga teen housemate para sa isang island adventure, at ang venue ay sa Puerto Prinsesa Palawan Island.

Madaling araw palang habang natutulog ang mga teens ay muling pumasok ang mga militar sa bahay ni kuya upang sunduin ang mga napiling housemate para sa isang island adventure. Ito ay sina Nan, Beauty, Ejay at Valerie. Isinakay ang mga ito sa isang eroplano papuntang Puerto Prinsesa at  pagkadating doon ay isinakay naman sila sa helicopter papuntang isla kung saan nila gagawin ang mga adventure. Unang isinakay at dinala sina Ejay at Valerie papunta sa isla, naka blind fold ang mga ito kung kaya’t wala silang nakikita. Sumunod sa kanila na hinatid papuntang isla ay sina Nan at Beauty at ng magkita-kita ang mga ito ay labis ang kanilang kasiyahan.

Habang nag-lalakad ang mga Island Housemate ay nakapulot sila ng isang bote na nag-lalaman ng kanilang unang task. Ito ay ang panghuhuli ng talangka o crab. Nang matapos nila ang panghuhuli ay muli silang nakakuha ng bote na naglalaman ng mapa papunta sa kanilang tutuluyan, nakalagay din dito sa kanilang dadaanan kung saan nila makukuha ang mga tubig, pagkain at ilang kagamitan sa pang araw-araw. Nang marating na ng Island Housemates na sina Beauty, Valerie, Ejay at Nan ang kanilang matutuluyan ay muling nakakuha ang mga ito ng bote na nag-lalaman ng susunod nilang task. Ito ay ang pag-akyak sa lubid papuntag confession room, kinakailangan na may makaakyat na isang housemate gamit lamang ang lubid, at kapag magawa nila ito ay maaari na nilang gamitin ang hagdan. Si Nan ang unang sumubok na akyatin ang lubid pero hindi nito nagawa, kaya naman ay sinubukan din ni Ejay akyatin ito at sa huli nga ay nagawa rin nito. Sa kanilang pagpasok ng confession ay kinausap sila ni kuya para sa kanilang susunod na task, ito ay ang alagaan ang isat-isa at dapat ay walang maiiwan na mag-isa.

Sa kanilang pagbalik ng bahay ay sinalubong sila ng mga bisitang unggoy. Dahil dito ay gustong patunayan ni kuya na mas matalino ang tao kesa sa unggoy, pero bago paman mapa-alis ng housemates ang mga unggoy ay nakain at nadala na ng mga ito ang iba nilang pagkain. Bago magdilim ay nag handa na ang mga ito ng kanilang pagkain, at halos lahat ng natutunan nila sa military training ay nagamit nila. Ang paggawa ng apoy, pagsasaing sa kawayan, panghuhuli at pagkatay sa manok.

Nang mag dilim ay natulog na ang mga ito, at sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog ng mga island housemates ay may dumating na mga bisita. Kinuha nila si Valerie at inilayo ito sa mga kasamahan…Saan kaya nila dadalhin si Valrie?, Bakit nila ito kinuha at inilayo?, Ano kaya ang gagawin ng ibang island housemate kapag nalaman nila na nawawala na pala ang isa nilang kasamahan? ngayon sinabi pa ni kuya na huwag iwan ang isat-isa…Ating subaybayan ang iba pang kaganapan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: The Puerto Princesa Island Adventure.

You Can Watch The Island Adventure of Teen Housemates: Just click the links
Part 1/6
Part 2/6
Part 3/6
Part 4/6
Part 5/6
Part 6/6

Courtesy of You Tube

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 19, 2008 by EternalLance

May 19,2008

7th Nomination Night

Para sa gabing ito ay kakaiba ang naging pagpili sa mga nominado. Karaniwan kasi na ginagawa kapag nomination ay isa-isang pumapasok sa confession room ang mga housemates at doon ay sinasabi nila kay Kuya ang gusto nilang inominate.

Pero ngayon ay binigay ni Kuya ang isang matindin hamon at ito ay ang harapang nominasyon. Sa sala ginanap ang harapang nominasyon, bagama’t naka blind fold ang mga ito ay hindi parin naging madali para sa mga teens ang hamon na ito.

Ang bawat teens ay binigyan ng dalawang medallion, ang isa dito ay may nakalagay na 1 at ang isa naman ay 2. Umaga palang ay mayroon ng naganap na nominasyon sa loob ng confession room, kung kaya’t hindi na nila pwedeng baguhin o ibahin ang kanilang nauna na binoto, ngayong harapan na nila ito gagawin.

Dahil sa naka blind fold ang mga teens ay si Mariel ang tumulong upang malaman ng mga ito king sino na ang susunod na mag nonominate. Ang bawat medallion na hawak ng mga teens ay isasabit nila alin-sunod sa nauna nilang nominasyon kung sino ang binigyan nila ng 1 point at ng 2 points.

Matapos ang nakakatensyon na nominasyon ay dalawa sa mga teens ang nakakuha ng pinaka maraming medallion, at ito ay si…

Robi                   Rona

Robi - The-Blue AtenistaRona - The Prisoner’s Daughter

To Vote:

BB<space><name of housemate> and Send to 2331 for Globe, TM, Sun Cellular and Bayan Wireless Landline and 231 for Smart and Talk’n Text Subscriber

“Dahil ang gusto ni kuya, ikaw ang magdedesisyon!”

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 18, 2008 by EternalLance

May 18,2008

The Guardians Big Night

Dumating na ang takdang panahon at ang isa sa pinaka hihintay ng lahat…Ang Guardians Big Night.

Matapos ang mahabang panahon ng paghihirap, pagtitiis at pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya ay nakita nating lahat ang pagmamahal ng magulang sa kanilang mga anak. At sa bawat hamon na kanilang hinarap ay marami tayong natuklasan at natutunan. Kaya naman ngayon gabi ay nasa iyong kamay ang kapalaran ng apat na natitirang Guardians sa loob ng bahay ni Kuya.

Sino kina Daddy Erning, Mommy My Love, Mommy Minda at Mommy Sandy ang karapat-dapat na tanghalin bilang kauna-unahang Guardian Big Winner?

Ang resulta ng botohan ay si Mommy My Love ang nakakuha ng pinaka mababang boto na naka-ipon lamang ng 4.64% of votes na naging dahilan upang tanghalin ito na 4th Big Placer. Nag uwi ito ng P100,000.00 plus business franchise from Potato Cuddler

Ang 3rd Big Placer naman ay si Mommy Sandy na naka-ipon ng 13.98% of votes, ang mga prices na kanyang nakuha ay P150,000.00 plus business franchise from Potato Cuddler

Ang 2nd Big Placer naman ay si Mommy Minda na nakaipon ng 16.22% of votes, ang kanyang nakuha ay P250,000.00 plus business franchise from Potato Cuddler.

At ang kauna-unahang Guardian Big Winner ng Pinoy Big Brother ay si Daddy Erning! Marami ang humanga sa ipinakita nitong lakas ng loob at pagmamahal sa kanyang anak na si Ejay, bagamat hindi niya ito tunay na anak ay inalagaan niya ito ng buong puso at pagmamahal. Dahil dito ay labis siyang hinangaan ng lahat. Nakakuha ito ng 65.16% of votes na nagdala sa kanya upang mabago ang buhay ng kanyang pamilya. Nag-uwi ito ng P500,000.00 plus business franchise from Potato Cuddler.