Archive for Pared Giratoria

Ika-tatlongpu na Hamon: Pared Giratoria

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on February 13, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-tatlongpu na hamon ng mga participantes ay ang “Pared Giratoria” na ang ibig-sabihin ay “Umiikot na Pader”. Sa hamon na ito ay susubukan ng mga participantes na hindi malaglag sa pader habang ito ay umiikot. Sampung minuto(10mins) ang kanilang itatagal, ang makakagawa ng pinaka maraming rebolusyon o pagikot ng pader ay siyang maliligtas at mag papatuloy para sa El Ultimo Duelo. Habang ang pinaka kulelat naman ay siyang uuwi ng Pilipinas.

30th Stunt

Hindi naging madali ang hamon na ito para sa mga participantes, dahil bukod sa eliminacion ang round na ito ay nalalapit na rin ang pagtatapos kung saan malalaman kung sino sa mga natitirang participantes ang tatanghaling El Ultimo Participante.

Para sa hamon na ito ay si Savanah ang na tanggal. Sino kina Janna, Marion, Jommy at Manuel and tatanghalin El Ultimo Participante? Abangan dito lang sa Pinoy Fear Factor Argentina South America