Archive for John vs Anna

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 23, 2008 by EternalLance

April 23,2008

Fall Into Pieces

Kanina sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ay mag-kasamang naghuhugas ng kanilang pinagkainan si Ejay at Valerie. Habang naghuhugas ang mga ito ay muling naka basag si Ejay ng tasa. Dahil sa pangyayaring iyon ay ipinatawag ni kuya si Ejay at Valerie upang alamin ang nangyari, at matapos ang palinawagan ay binigyan sila ni kuya ng isang kaparusahan. Kinakailangan ay muli nilang ayusin at buohin ang nabasag nilang tasa ng magkadikit ang kanilang mga kamay.

Sa una ay nadadalian sina Ejay at Valerie sa kanilang ginagawa, pero habang tumatagal ay unti-unti narin nilang nararamdaman ang hirap. Si Ejay, dahil nga sa hirap ito na mag english ay bibihira lang nito kausapin si Valerie, na ang gusto naman ni kuya ay magusap ang dalawa habang tinatapos ang kanilang ginagawa.

Pagkalipas ng ilang oras ay natapos narin nilang buohin ang tasa, at ng ipinadala na ni kuya ang kanilang ginawa ay hindi nila ito magawa dahil dumikit na ito sa lamesa. Sinubukan ni Ejay na tanggalin ang pagkakadikit ng tasa, pero ang resulta ay muli itong nabasag.

Matapos pa kaya nila Ejay ang at Valerie ang pagbuo sa nabasag na tasa?, ano kaya ang naghihintay na kaparusahan kung sakaling hindi nila ito matapos?…Yan at madami pang eksena ang pakasubay-bayan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

John VS Anna

Sa mga nakalipas na araw ng mga teen housemates at ng guardians sa loob ng bahay ni kuya ay mayroong mga pangyayari na hindi maiiwasan, at ito nga ay ang hindi Continue reading

Advertisements