Archive for Ika-dalawangput Siyam na Hamon

Ika-dalawangput Siyam na Hamon: Cinta Transportadora De Fruitisias

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on February 10, 2009 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-dalawangput Siyam na Hamon ng mga participantes ay ang “Cinta Transportadora De Fruitisias” na ang ibig-sabihin ay “Strawberry Conveyor Belt”. Sa hamon na ito ay kinakailangan na saluhin ng mga participantes ang mga strawberry na babagsak. Pero dahil nalalapit na ang Ultimo Duelo, ay magiging mahirap na ang mga susunod na hamon. Sa hamon na ito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga Participantes na guluhin ang laro ng kanilang kasamahan, dalawang grupo ang binuo at sa bawat grupo na ito ay dalawang participantes ang mag kasama. Habang ang isa ay sasalo ng strawberry, ang isa naman ay manggugulo, at ito ay sa pamamagitan ng pag lalagay ng mga panggulo sa paligid ng strawberry. Ang participantes na makakakuha ng pinaka maraming strawberry ay maliligtas na para sa susunod na hamon.

29th Stunt

Para sa hamon na ito ay isang participantes lang ang maliligtas at hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon.

Jommy   – 8 Strawberries
Janna    – 8 Strawberries
Marion   – 6 Strawberries
Savanah – 1 Strawberry

Dahil sa parehong otso na strawberry ang nakuha nila Jommy at Janna, isang desisyon ang naging dahilan ng pag-aaway nila Jommy at Manuel. Sa naunang hamon ay si Manuel lang ang nakaligtas kaya’t pasok na ito para sa huling ronda de eliminacion, sa naganap naman na hamon ngayon ay si Manuel ang pinagawa ng desisyon kung sino kina Jommy at Janna ang maliligtas at hindi na mag papatuloy para sa susunod. Dahil nga si Janna ang pinili ni Manuel ay nainis itong si Jommy at sinasabi na plastic daw itong si Manuel, kaya lng daw niya iniligtas si Janna ay “para mahina ang makalaban nito sa huling hamon na kanilang gagawin“.  Samantalang ang rason ni Manuel kung bakit nito iniligtas si Janna ay binase nito ang mga nakuha nilang strawberry. Bukod kasi sa walong strawberry na nakuha ni Janna ay marami itong nakuha ngaunit hindi nga lang pumasok sa loob ng kahon.

Advertisements