Archive for Huling Hamon

Pinoy Fear Factor: Ang Huling Linggo

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , , on February 18, 2009 by EternalLance

pinoy-fear-factor-ang-huling-laban

Ito na ang huling linggo ng Pinoy Fear Factor at dahil apat pa silang nag lalaban-laban at dalawa lang ang mag haharap sa El Ultimo Duelo, sa pagtatapos ng bawat hamon ng ronda eliminacion ay may isang matatanggal. Kaya’t mahalaga ang kanilang bawat galaw at kanilang desisyon dahil ang mangungulelat ay mauubusan na ng pagkakataong makabawi at wala ng aasahang bukas sa Buenos Aires. Sino kina Manuel, Jommy, Marion at Janna ang matitira at maghaharap para sa El Ultimo Duelo.

The Fear Less Four

Enterado Vivo (Pagkakalibing ng Buhay) – Ito ang unang hamon sa huling ronda tungo sa El Ultimo Duelo. Ang kinakailangan gawin ng mga participantes ay isalba ang kanilang sarili mula sa pagkakalibing ng buhay. Sa hamon na ito ay ibabaon sila sa ilalim ng lupa, at kapag sila ay nasa ilalim na, kinakailangan nilang manatili doon ng limang minuto. Kapag naramdaman na nila na bumagsak ang lupa sa kanilang paa ay doon lamang nila uumpisahang mag paghuhukay para makalabas. Sa oras na makalabas ang participante ay kinakailangan nilang hawakan ang logo ng Pinoy Fear Factor. Pabilisan ang magiging labanan dahil ang pinaka kulelat ay mawawalan na ng pagkakataong makasama sa El Ultimo Duelo.

Huling Hamon

Para sa hamon na ito ay si Janna ay pinapili ni Ryan kung sinong participante ang gusto nito na mauna. Si Jommy ang pinili ni Janna na mauna at kasunod nito ay si Manuel, Marion at Janna. Sino sa kanilang apat ang matatanggal at hindi na mag papatuloy sa susunod na hamon…

Huling Hamon

Natapos ng mga participante ang hamon at dalawa sa kanila ang nameligro, ito ay sina Janna at Manuel. Sa kalagitnaan ng kanilang hamon ay natabunan ng buhangin si Janna, samantalang si Manuel naman ay naipit kaya’t naging dahilan ito para tumagal ang kanilang oras. Pero sa pagtatapos ng hamon ay isa lamang sa kanilang dalawa ang mananatili at mag papatuloy para sa susunod na hamon. Narito ang nakuha nilang oras…

Marion – 3:53sec (New Fear Factor World Record)
Jommy – 4:40sec
Janna – 7:43sec
Manuel – 8:23sec (Eliminated)

huling-hamon-eliminated-manuel

Sino sa mga natitirang Participantes ang karapat-dapat manatili at mag patuloy sa susunod na hamon?…Abangan!…Ang lahat ng yan dito lang sa Pinoy Fear Factor Argentina South America. ^_~

Advertisements