Archive for Bungee Invertido

Ika-dalawangput Isa na Hamon: Bungee Invertido

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , on January 9, 2009 by EternalLance

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-dalawangput isa na hamon ng mga participantes ay ang “Bungee Invertido” na ang ibig sabihin ay “Pabaliktad na Bungee”.  Sa hamon na ito ay babaliktad ang mundo ng mga participantes, sapagkat ibibitin sila ng patiwarik habang nakahawak sila sa pabigat, kapag handa na ay ilulubog sila sa tubig, mag uumpisa ang kanilang oras kapag nailubog na ng buo ang kanilang mga ulo at habang nasa ilalim ay patagalan ng oras ang magiging labanan. Kapag gusto na nilang sumuko ay bibitawan lamang nila ang pabigat at doon na magtatapos ang kanilang oras.

21st Stunt

Hindi naging madali sa mga participantes ang hamon na ito dahil bukod sa naka baliktad sila ay naging kalaban nila ang lamig ng tubig. Para sa hamon na ito ay isa sa kanila ang matatanggal at mapapauwi na ng Pilipinas.

Manuel   – 1:18sec
Janna     – 0:39sec
Savanah – 0:19sec
Lj – (1st try – 0:12sec)/(2nd try – 0:11sec) – Eliminated

Sa hamon na ito ay nagkaroon ng kaonting pagkakamali, dahil nag laro si Lj ng walang nose clip samantalang lahat ng kanyang kapwa participantes ay nag laro na merong nose clip, dahil dito ay tinanong si Lj ni Ryan kung inalok daw ba ito ng Nose clip, pero naging sagot ni Lj ay “Ewan ko, hindi ko matandaan”, dahil dito ay pinanood nila ang mga kuhang video at  napag alaman nila na hindi nga ito  inalok. Dahil sa pangyayaring ito ay tinanong ni Ryan ang mga participantes kung okey lang sa kanila na ulitin ni Lj ang hamon na meron suot na nose clip; agad naman na sumang-ayon ang mga participantes. Sina Lj at Savanna ang nakakuha ng pinaka maikling oras  sa kanilang lahat kaya naman para maging patas ang labanan, kapag nalagpasan ang ginawang oras ni Lj ang nagawang oras ni Savanah ay ipapaulit din ito kay Savanah para naman mabigyan din ito ng pagkakataon na malagpasan ang ginawang oras ni Lj.

lj-without-nose-clip

Matapos ang hamon ay hindi nagawang lagpasan ni Lj ang nagawang oras na Savanah at  dahil dyan ay nangangahulugan ito na si Lj ang ika anim(6) na Participantes na uuwi ng Pilipinas.

Advertisements