Archive for Bicicleta Atravesando Vidrios

Ika-siyam na Hamon: Bicicleta Atravesando Vidrios

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , on December 1, 2008 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Sa hamon na ito mag kakaalaman kung sino kina Jommy, Jose at Phem ang ikatlong Participantes na uuwi ng Pilipinas. Ang tawang sa ika-siyam na stunt na ito  “Bicicleta Atravesando Vidrios” o ang ibig-sabihin ay “Pagtagos ng Bisikleta sa salamin”. Sa hamon na ito ay babasagin ng Participantes ang limang(5) salamin na may kapal na 6mm habang naka sakay sila sa bisikleta. Kapag nabasag nila ang lahat ng salamin ay pabilisan ang magiging labanan, hindi puwedeng sumemplang, isayad ang paa at malalag sa bisikleta. Kapag hindi naman nila nabasag ang lahat ng salamin ay palayuan at padamihan parin ng mababasag na salamin ang magiging basehan kung sino ang mananatili at tuluyan ng mapapauwi sa Pilipinas.

9th Stunt

Para sa hamon na ito ay si Jommy ang nauna, sumunod si Jose at ang huling gumawa ng hamon ay si Phem. Sa pagkakataong  ito ay tanging si Jose lang ang nagawang basagin ang limang salamin, at dahil dyan ay ligtas na siya sa eliminacion.

Jose      5 salamin
Jommy 1 salamin
Phem    0 salamin

Sa kabilang banda, isang salamin lamang ang nabasag ni Jommy pero dahil narin sa suwerte at hindi sanay na mag bisikleta si Phem, nakaligtas ito sa eliminacion, at dahil nga sa walang nabasag na salamin si Phem ay siya ang ikatlong Participantes na uuwi ng Pilipinas.

Advertisements