Archive for 8th Expulsion Night

11th Gala Performance Night

Posted in PDA: Season 2 with tags , , , , , on August 30, 2008 by EternalLance

Espesyal ang gabing ito dahil “Scholars Choice of Song” ang kanilang kakantahin, at dahil nalalapit na ang Drand Dream Night ay naging mahirap para sa mga scholars ang pagpili ng kanilang kanta dahil kinakailangan na may koneksyon ito sa buhay at pagkatao nila. Naging matindi ang kanilang pagsasanay nitong nagdaang linggo dahil hindi lamang sa boses ang pinag tuonan nila ng pansin, dumaan din sila sa Physical, Mental at Emotional training. Sa ginawa nilang training ay inilabas ng mga scholars ang lahat ng kanilang galit at sama ng loob, ginawa nila ito upang gumaan ang kanilang kalooban at mas maging relax sila habang kumakanta.

Pero sa kabila ng lahat ay mas naging mahirap para kina Sen at Van ang nagdaang linggo dahil isa sa kanila ang lalabas ng Academy, habang ang isa naman ay mananatili at mapapasama sa top 6.

Narito ang mga kanta na pinili ng mga scholars:

1. Sen (The Cancer Survivor)His Eyes In On The Sparrow

2. Van (The Heartthrob) Who Am I

3. Laarni (The Independent Woman) Iam Blessed

4. Miguel (The Romantic Crooner) Sandra

5. Liezel (The Pride of Puerto Galera) – Goodbye’s (The Saddest Word)

6. Cris (The Singing Interior Designer) Insepreble

7. Bugoy (The Farmer’s Son)Can’t Stop a River

Kasabay ng kanilang 11th Gala Night ay ang launching ng first Album ng PDA Season 2 Scholars. Ito ay ang “Scholars Sing Cayabyab”, nakapaloob dito ang mga composition ni Mr. C at kinanta naman ng Head Master’s List of 10 na sina…

BugoyPaano Na Kaya

CrisMagpakatotoo

MiguelKitang Kita

LiezelI’d Rather

VanAngas

LaarniManalig Ka

IñakiGanun Lang

BunnyBakit Ganyan

SenHero

AppleHide My Feelings

8th Expulsion Night

Naging tensyonado ang gabing ito dahil isa kina Sen at Van ang lalabas ng Academy, habang ang Continue reading

Advertisements