Archive for 4th Round of Elimination

Ika-labing dalawang Hamon: Arrastrado En El Concreto

Posted in Pinoy Fear Factor: My Blog Update with tags , , , , , , on December 5, 2008 by EternalLance

Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang pangalan ng ika-labing dalawang hamon ay “Arrastrado En El Concreto” o ang ibig sabihin ay “Pagkaladkad sa umaandar na Truck”. Sa gitna ng matinding lamig na may temperaturang two degrees celsius at sa kabila ng puyat dahil alas tres ng madaling araw noon sa Buenos Aires, Argentina, mag susuot ang mga Participantes ng damit na bakal, kakapit sila sa hawakan para kaladkarin ng isang sasakyan na may bilis na 50kph. Habang kinakaladkad, aabot ang init ng bakal na kanilang suot sa temperaturang 100 degrees celsius, sapat para malapnos ang kanilang balat. Pagdating sa line of fire ay mag kakaroon ng pagsabog, iyon ang kanilang magiging tanda na malapit na sila sa target o sa Pinoy Fear Factor Logo. Bago sila dumating doon ang kinakailangan nilang bumitaw, ang sasadsad at pinaka malapit sa logo ay ang siyang maliligtas, ang mamalasing sumadsad ng pinaka malayo ay mapapalayas na sa Buenos Aires, Argentina.

12th Stunt

Cuarta Ronda De Eliminacion

Para sa hamon na ito ay isa sa mga participantes ang uuwi na ng Pilipinas at ayon sa kakatapos na hamon, narito ang nakuha nilang sukat matapos silang kaladkarin.

Jommy – 1m 50cm
Lj         – 1m 5cm
Jose     – 4m 30cm (Eliminated)

Ayon sa mga nakuha nila, si Jose ang may pinaka malayong sukat mag mula sa target at dahil dyan, siya ang ika-apat na participantes na uuwi ng Pilipinas. Pero dahil narin sa nalalapit nitong kaarawan, siya ay binigyan ng isang araw upang manatili sa Argentina at ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Advertisements