Ika-dalawangput Isa na Hamon: Bungee Invertido

 Pinoy Fear Factor: My Blog Update

Ang ika-dalawangput isa na hamon ng mga participantes ay ang “Bungee Invertido” na ang ibig sabihin ay “Pabaliktad na Bungee”.  Sa hamon na ito ay babaliktad ang mundo ng mga participantes, sapagkat ibibitin sila ng patiwarik habang nakahawak sila sa pabigat, kapag handa na ay ilulubog sila sa tubig, mag uumpisa ang kanilang oras kapag nailubog na ng buo ang kanilang mga ulo at habang nasa ilalim ay patagalan ng oras ang magiging labanan. Kapag gusto na nilang sumuko ay bibitawan lamang nila ang pabigat at doon na magtatapos ang kanilang oras.

21st Stunt

Hindi naging madali sa mga participantes ang hamon na ito dahil bukod sa naka baliktad sila ay naging kalaban nila ang lamig ng tubig. Para sa hamon na ito ay isa sa kanila ang matatanggal at mapapauwi na ng Pilipinas.

Manuel   – 1:18sec
Janna     – 0:39sec
Savanah – 0:19sec
Lj – (1st try – 0:12sec)/(2nd try – 0:11sec) – Eliminated

Sa hamon na ito ay nagkaroon ng kaonting pagkakamali, dahil nag laro si Lj ng walang nose clip samantalang lahat ng kanyang kapwa participantes ay nag laro na merong nose clip, dahil dito ay tinanong si Lj ni Ryan kung inalok daw ba ito ng Nose clip, pero naging sagot ni Lj ay “Ewan ko, hindi ko matandaan”, dahil dito ay pinanood nila ang mga kuhang video at  napag alaman nila na hindi nga ito  inalok. Dahil sa pangyayaring ito ay tinanong ni Ryan ang mga participantes kung okey lang sa kanila na ulitin ni Lj ang hamon na meron suot na nose clip; agad naman na sumang-ayon ang mga participantes. Sina Lj at Savanna ang nakakuha ng pinaka maikling oras  sa kanilang lahat kaya naman para maging patas ang labanan, kapag nalagpasan ang ginawang oras ni Lj ang nagawang oras ni Savanah ay ipapaulit din ito kay Savanah para naman mabigyan din ito ng pagkakataon na malagpasan ang ginawang oras ni Lj.

lj-without-nose-clip

Matapos ang hamon ay hindi nagawang lagpasan ni Lj ang nagawang oras na Savanah at  dahil dyan ay nangangahulugan ito na si Lj ang ika anim(6) na Participantes na uuwi ng Pilipinas.

13 Responses to “Ika-dalawangput Isa na Hamon: Bungee Invertido”

  1. JYRUS! XD Says:

    amf na error yun! dapat Lagi niLa mini-make sure na patas at safe ang mga participants para maiwasan ang ganung pangyayari. Anyway, buti napag-usapan naman nila ng mabuti at naayos din pero kung sino pa yung nabigyan ng chance, siya din natanggal! Wala lang naman, natatawa lang ako hahaha😄

  2. sayang naman natanggal si LJ..siya pa naman ang pinakagusto ko.pero di bale ok lang.anjan pa naman si janna, rj at supermanuel

  3. crystalline Says:

    hay naku sana di ntanggal si LJ sya pa mandin pinakagusto ko sa gurls… mtapang at tlgang lumalaban di k2lad ni savannah, hay naku buti na lng nandyan pa si super manuel my reason pa ko para manood

  4. grabe si manuel na nman ang first in dis round….grabe talaga ang power mu super manuel…..talagang sanay ka sumisid ha……anyways,super pray ko talaga na ikaw ang manalo…..gudluck super manuel…..

  5. cguru distructed lng c lj kaya di xa nkapag concentrate sa stunts….basta si manuel pa rin ang da best para sa skin……walang pa ring tatalo kay manuellllllllll……

  6. JAIME FLORES JR. Says:

    PAVOR8 Q P NAMAN C l.j BK8 P XA ANG NATANGGAL SA PINOY FEAR FAC2R.L…. ASAWA P MANAMN XA NG PABORITO KONG PLAYER NA C JIMMY ALAPAG NG TNT TROPANG TEXTERS….. UN LANG POE

  7. galingan mo rj para hindi ka ma out…..gogogo..kaya mo yan

  8. ang galing mo super manuel…ang sports mong maglaro!!!!!!!

  9. go savanahh gurl……kaya mo yan….gud luck

  10. pnapanood kta savanah cmula ng ngstart ang reality show na pinoy fear factor…am one of your die hard fans…galingan mo,show to all viewer that you deserve the title EL ULTIMO PARTICIPANTE…..

  11. sports??? nyahahahaha!!!!😄 joke Lng haahahah!!!!!😄

  12. go manuel kyangkya mo yan pareng manuel..alam kong kaw ang mananalo kc npkahumble u pre.. so gudluck tol..

  13. go go..pareng manuel kyangkya mo yan bro..alm ko na kaw ang mnanalo kc npkgaling mo at very humble pa..so gudluck bro..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: