10th Gala Performance Night

Para sa gabing ito ay “Performing with Celebrity Star” ang naging theme, dahil dyan ay nitong nagdaang linggo ay puspusan ang ginawang paghahanda ng mga scholars upang masiguro na matatapatan nila ang galing ng kanilang kapartner na celebrity, at dahil nalalapit na ang Grand Dream Night ay lalong tumitindi ang competition ng mga scholars.

Narito ang listahan ng kanilang kanta:

1. Iñaki (The Stage Performer) & Bituin EscalanteProud Mary

2. Miguel (The Romantic Crooner) & Sheryn RegisNever Say Goodbye

3. Laarni (The Independent Woman) & Ged MadelaThe Prayer

4. Cris (The Singing Interior Designer) & Richard PoonKissing A Fool

5. Liezel (The Pride of Puerto Galera) & Joey Generoso of Side ATell Me

6. Van (The Heartthrob) & Kitchie NadalBulong

7. Bugoy (The Farmer’s Son) & Vina MoralesMuli

8. Sen (The Cancer Survivor) & Rechel AlejandroCan We Just Stop & Talk Awhile

9. Poy (The Honorary Scholar) & The Ryan Cayabyab SingersLiving On A Prayer

Naging maganda ang performance ng mga scholars para sa kanilang 10th Gala Night, pero dahil narin sa nalalapit na Grand Dream Night na kung saan ay makikilala ang Grand Star Dreamer ay sunod-sunod ang anunsyo at rebelasyon ngayong gabi.

Una: Ang paglabas sa Academy ng Honorary Scholar na si Poy. Matapos ang apat na linggong pananatili sa loob ng Academy ay obligasyon nito na ichallenge ang mga scholars, at sa tuwing magiging star scholar ito ay makakakuha siya ng P50,000.00, na siya namang ibabawas sa total price ng Grand Star Dreamer. Pero dahil narin sa laging pumapangalawa lamang itong si Poy sa Star Scholar ay bigo ito na makapag uwi ng fifty thousand pesos at maging official scholar ng Academy.

Ikalawa: Iba na ang pagpili sa set of Probies this week. Mag mula sa Bottom Four na kung saan ay pumipili ang mga mentors at scholars ng kanilang ililigtas, ngayon ay tatanggalin na. Dahil ngayong gabi ay kung sino man sa mga scholars ang makakakuha ng pinaka mababang grade ay automatic na on probation this week.

7th Expulsion Night

Matapos ang performance ng mga Scholars with Celebrity Partner ay nagdesisyon ang taong bayan kung sino kina Iñaki at Miguel ang lalabas sa Academy. Dahil nalalapit na ang Grand Dream Night ay mahirap para kina Iñaki at Miguel ang lumabas ng Academy lalopa at pareho nilang kaarawan nitong nakaraang linggo. Pero ayon narin sa taong bayan ay 75.97% of text votes ang nakuhang boto ni Miguel, samantalang 24.03% of text votes lamang ang naipon ni Iñaki na siyang naging dahilan upang mapalabas ito ng Academy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: