PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

May 15,2008

Military Training: Part III

Para sa araw na ito ay muling nag-ensayo ang mga teens upang maging handa sa mga gagawin nilang task. Matapos ang exercise ay tinuruan ang mga teens kung paano mag rappelling . Ang rappelling ay isang paraan ng pag-akyat at pagbaba sa isang lugar gamit ang lubid o rope, madalas itong ginagawa ng mga umaakyak ng bundok at ng mga militar kapag bumababa sa mga sasakyang pang-himpapawid.

Matapos ang pag-akyat at pagbaba sa pader at naging maayos naman ang lahat. Sumunod na kanilang ginawa ay ang…

Survival Training: Part III

Dito naman ay tinuruan sila kung paano manghuli ng palaka. Bawat grupo ay kinakailangan na makahuli ng sampung pirasong palaka. Ang pinaka mabilis na grupo ay makakakuha ng pinaka mataas ng puntos.

Naging masaya ang task na ito, ang iba ay wala lang sa kanila at todo sa pagkuha, pero itong sina Beauty, Nicole, Mikan at Ejay ay nadiskubre na takot pala ang mga ito sa palaka. Kaya naman ang resulta ay naiwan ang mga ito, upang harapin ang kanilang fear sa palaka.

Nagawa namang hawakan nila Beauty, Nicole, Mikan at Ejay ang palaka, kaya ng matapos ang mga ito sa panghuhuli ang niluto naman nila ito para kinain. Kumain naman ang lahat, nagkaroon pa ng paligsahan sa pabilisan ng pagubos sa palaka, at ang nanalo sa kanila ay si Mikan.

I Quit: Part II

Sandaling araw palang namamalagi si Andy ang ikalawang house player ng bayan ay ninais na nito lumabas ng bahay ni kuya.

Dahil sa bago palang itong si Andy ay hindi rin ito sanay sa mga gawaing bahay, kung kaya’t nahihirapan ito na makisama sa mga housemates. Magkagayon man ay todo suporta naman ang mga teens dito kay Andy. Pero dahil narin sa mga pangyayari na hindi inaasahan ay nasabay ang pagpasok ni Andy at ng mga militar sa loob ng bahay ni kuya. Dahil sa military training ay labis na nahirapan itong si Andy sa mga task na siya namang dahilan kung bakit gusto na nitong lumabas.

Matapos na kausapin si Kuya ay pumayag naman ito sa gusto nitong gawin, dahil kahit sa sandaling panahon na ito ay namalagi sa loob ng bahay ay marami naman itong natutunan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: