PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

May 13,2008

Military Training: Part I

Umaga palang ay ginulat ni kuya ang mga teen housemates sa pagpasok ng mga militar sa loob ng kanyang bahay. Dahil sa mga violations, pagiging pabaya at makalat sa gamit ng mga teen housemates ay minabuti ni kuya na turuan ng leksyon at disiplinahin ang mga ito.

Sigaw dito, sigaw doon…yan ang naging panimula sa araw ng mga teen. Umaga palang ay dinisiplina na sila kung paano maging mabilis sa mga bagay na kanilang gagawin, pagka bangon sa kama ay agad na pinag bihis ang mga ito at pinapunta sa garden para mag exercise. Sa una ay hindi siniseryoso ng mga teens ang kanilang ginagawa, tawa dito, tawa doon, kahit pinapagalitan na sila ay tuloy parin ang mga ito. Pero ng makita ng mga teens na seryoso ang mga trainers nila ay nag-tino rin ang mga ito.

Matapos ang nakakapagod na pagtakbo ay naglinis naman ng bahay ang mga teens habang binabantayan ng mga militar, at ng matapos ang mga ito ay pumunta naman sila sa susunod na task at ito ay ang…

Survival Training: Part I

Pagkatapos ng nakakapagod na pag e-exercise at paglilinis ng bahay ay dumiretsyo namang ang lahat sa activity area para gawin ang susunod nilang task, at ito ay kung pano mag  survive sa gubat. Dito ay tinuruan sila kung paano gumawa ng apoy, manghuli ng isda at mag saing ng kanin.

Ang pagpasok ng militar sa loob ng bahay ni kuya ay hindi para takutin ang mga teens, ginawa ito ni kuya upang matuto, madisiplina, at higit sa lahat ay magkaisa. Ang military training ng mga teens ay isang weekly task, hinati sa tatlong grupo ang mga teen housemates, kinakailangan ay makaipon ang lahat ng teen housemates ng 100 merits bago paman matapos ang kanilang weekly task. Ang bawat task na gagawin ng mga teens as linggo na ito ay may katumbas na puntos, pero sa bawat mali at palpak na kanilang magagawa ay makakakuha naman sila na demerits o deduction sa points. Kapag hindi sila nagtagumpay sa weekly task na ito ay zero ang kanilang weekly budget para sa susunod na linggo.

I Quit

Habang abala ang lahat sa kanilang ginagawa ay pumunta itong is Shy sa confession room upang kausapin si kuya. Sinabi niya na hindi na daw nito kaya pang manatili sa lobb ng bahay, dahil narin sa sobrang hirap ng kanilang training at task ay hindi ito kinaya ni Shy. Pinag bigyan pa ito ni kuya para mag-isip, pero buo na talaga ang loob ni Shy at gusto na nito lumabas.

Dahil dito ay pinayagan naman ni kuya na palabasin itong si Shy. Magkagayon man ay sinabi ni Shy na masaya daw ito dahil marami siyang natutunan at higit sa lahat ay napasaya niya ang mga manonood. Umabot sa P40,000.00 ang naipon ni Shy mula sa mga task na napagtagumpayan nito, at dadalhin niya ito sa kanyang paguwi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: