PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

May 12,2008

Mother’s Day Special

Noong linggo ay maaga nagising at nag handa ang mga teen housemates upang magluto ng almusal para sa kanilang mga ina, nag sulat din ang mga ito ng isang mensahe.

Matapos ang paghahanda ay agad na dinala nila Alex, Nicole, Beauty at Nan ang kanilang surpresa sa guardians area, natutulog pa ang mga guardians ng sila ay pumunta, kaya naman ay ginising nila ito para mag almusal. Habang kinakain ng kanilang mag ina ang inihanda nilang almusal ay binasa naman ng mga teens ang ginawa nilang message para sa kanilang mga mommy.

Para naman sa mga teens na nasa labas ang kanilang ina ay pinaglaro ni kuya ang mga ito ng isang puzzle game na ang nakalagay ay ang mukha ng kanilang mga ina. Ang mauuna na makabuo ay siyang tatanghalin na panalo, at magkakaroon ng pagkakataon na makapiling ang ina. Matapos ang ilang minuto natapos na ng mga teens ang kanilang binubuo at ang nauna sa kanila ay si Rona. Dahil dito ay nagkaroon ng 100 seconds si Rona at ng kanyang ina.

Bago mag-tapos ang araw ay ibinigay ni kuya ang isa pang kahilingan ng mga teens. Para kay Alex ay pinayagan ito ni kuya na kantahan ang kanyang ina bago ito matulog. Ang kahilingan naman ni Nicole ay makita at makasama ng kanyang ina ang kapatid nitong bunso. Para naman kay Beauty ay hiniling nito ang isang phone call kung saan ay nagbigay ng isang mensahe ang kanyang ama para kay Beauty at sa asawa nito. At ang huli ay kay Nan, hiniling nito na makasama ang (Sea Man)ama bago ito umalis at sumakay ng barko.

Punong-puno ng kasiyahan ang naramdaman ng mga ina lalo ng mga guardians, dahil mula sa paggising hanggang sa pagtulog ay pinuno sila ng surpresa. Kaya naman para sa lahat ng mga ina at incomming mommy…Happy Mothers Day!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: