PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

May 8,2008

House Player: Third Task

Para sa ikatlong task ni Shy ang House Player ng bayan ay muling nagkaroon ng botohan, at ang resulta ay kinakailangan na kulitin at inisin ni Shy si Nan.

Pagkalabas ng confession room ay agad na sinimulan ni Shy ang kanyang task, pinuntahan nito at kinulit si Nan habang kumakain at nagtanong ng maraming bagay at nang-asar. Sa una ay parang wala lang kay Nan ang ginagawa ni Shy, pero dahil narin sa kakulitan, pangaasar at pangiinsulto ay nainis ito at kinausap nalang ang ibang housemates. Kaya naman ang resulta ng ikatlong task ni Shy ay “Passed”

The Teen Super Heroes

Para sa kanilang daily task ay pinag isip ni Kuya ang mga teen housemates ng kanilang super horo costumes, at pagkatapos nito ay paramihan sa makukuhang puntos ang labanan.

Hinati sa dalawang grupo ang mga teens, at para sa Group A ay sina Ejay, Josef, Rona, Roni at Shy. Para naman sa Group B ay sina Alex, Beauty, Priscilla, Valerie at Nicole. Si Nan ang magsisilbing referee, ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang powers. Ang bawat teams ay may sariling base na kung saan ay kinakailangan nila na mag-unahan sa mga ipinapagawa ni kuya, at kapag nagawa na nila ito ay unahan naman sila sa pagkuha ng magical ball para dalhin sa kanilang base, ang bawat magical ball na maidadala sa kanilang base ay makakakuha ng 10 points.

Naging maganda at masaya ang kanilang laban, hanggang sa pumunta na sila sa pinaka huling round ng kanilang laban. Ito ay hanapin ang magical ball na itinago ng kanilang kalaban, 50 Points ang makukuha ng grupo na makakahanap.

Ang unang nagtago ng magical ball ay ang Group B, dahil dito ay Group A ang maghahanap sa itinagong magical ball. Dumaan ang ilang minuto ay tuloy parin sa paghahanap ang Group A, hanggang sa tuluyan na naubusan sila ng oras at hindi ito nahanap. Sumunod na nag tago ng magical ball ang Group A, at sa pagkakataon na ito ay Group B naman ang sumunod na nag hanap. Makalipas ng ilang minuto ay agad nila itong nahanap. Dahil dito ay Group B ang nanalo para sa kanilang daily task, at ito ay sina Alex, Beauty, Priscilla, Valerie at Nicole, ang kanilang reward ay pinapili sila ng kanilang magiging partner para utusan at gumawa ng mga gawaing bahay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: