Archive for May 8, 2008

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on May 8, 2008 by EternalLance

May 8,2008

House Player: Third Task

Para sa ikatlong task ni Shy ang House Player ng bayan ay muling nagkaroon ng botohan, at ang resulta ay kinakailangan na kulitin at inisin ni Shy si Nan.

Pagkalabas ng confession room ay agad na sinimulan ni Shy ang kanyang task, pinuntahan nito at kinulit si Nan habang kumakain at nagtanong ng maraming bagay at nang-asar. Sa una ay parang wala lang kay Nan ang ginagawa ni Shy, pero dahil narin sa kakulitan, pangaasar at pangiinsulto ay nainis ito at kinausap nalang ang ibang housemates. Kaya naman ang resulta ng ikatlong task ni Shy ay “Passed”

The Teen Super Heroes

Para sa kanilang daily task ay pinag isip ni Kuya ang mga teen housemates ng kanilang super horo costumes, at pagkatapos nito ay paramihan sa makukuhang puntos ang labanan.

Hinati sa dalawang grupo ang mga teens, at para sa Group A ay sina Ejay, Josef, Rona, Roni at Shy. Para naman sa Group B ay sina Alex, Beauty, Priscilla, Valerie at Nicole. Si Nan ang magsisilbing referee, ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang powers. Ang bawat teams ay may sariling base na kung saan ay kinakailangan nila na mag-unahan sa mga ipinapagawa ni kuya, at kapag nagawa na nila ito ay unahan naman sila sa pagkuha ng magical ball para dalhin sa kanilang base, ang bawat magical ball na maidadala sa kanilang base ay makakakuha ng 10 points.

Naging maganda at masaya ang kanilang laban, hanggang sa Continue reading

Advertisements