Archive for May 7, 2008

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on May 7, 2008 by EternalLance

May 7,2008

Sorry Friend

Kahapon sa Pinoy Big Brother house ay nakita ng lahat ang totoong ugali ng mga teen housemates, at sa pagpasok ni shy ay labis na nagulo at nabago ang samahan ng mga teens.

Dahil sa lumalalang gulo sa sa pagitan ni Shy at ng ibang housemate ay minabuti ng ilang girl housemates na kausapin si Kuya. Sa kanilang pagpasok ng confession room ay agad na nagsumbong sina Priscilla, Beauty, Nicole at Valerie tungkol sa ugali at ginagawang paninira ni Shy sa kanilang samahan. Matapos na mag sumbong at mag paliwanag ay agad na sinermonan ni Kuya sina Priscilla, Beauty, Nicole at Valerie na wag manghusga ng kapwa hanggat hindi pa nila ito nakikilala o nakakausap. Dahil sa mga sinabi at ibinigay na payo ni kuya ay pagkalabas na pagkalabas ng confession room ay agad nilang nilapitan si Rona upang humingi ng tawad sa hindi nila pag-intindi sa mga sinasabi nito tungkol kay Shy. At ng magkaayos ay nilapitan naman nila si Shy upang kausapin ng sa ganoon ay makilala nila ito at higit sa lahat ay maka-hingi rin ng tawad.

The Ultimate Task of House Player

Isa sa pinaka main task ng pagiging house player sa bahay ni Kuya ay maipalabas at maipakita ang totoong ugali ng mga teen housemates. Dahil sa mga pangyayari na hindi inaasahan ay nagawang mailabas at maipakita ni Shy ang totoong ugali ng mga teens, isa na dito ang paghusga sa kanya ng ilang teen housemates sa pagpasok nito sa bahay. Kaya naman para sa Ultimate at main task ni Shy..”You Are Passed!”.

Advertisements