PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

May 6,2008

Personality Test

Sa pagpasok ng house player na si Shy sa bahay ni kuya ay madami ang nabago, isa na dito ang samahan nila Nicole at Josef, dahil sa pagkukunwari na may gusto itong si Shy kay Josef ay labis na nagseselos itong si Nicole sa ginagawang pagpapapansin ni Shy.

Dahil sa kakaibang ikinikilos ng house player na si Shy ay nahati ang opinyon ng mga teen housemates. Ang iba sa kanila ay nagdududa at sinasabi na plastic daw ito at sinisira lang ang samahan nila. Ano kaya ang kahihinatnan ng mga ginagawa ni Shy?, tuluyan nabang masisira ang samahan ng mga teens? Ano kaya ang kanilang reaksyon kapag nalaman nila na ang taong bayan ang nagdedesisyon sa mga task na ginagawa ni Shy?…Yan at marami pang iba ang ating paka aabangan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update

House Player: Second Task

Kaning tanghali sa Uber ay pinag-botohan ang susunod na task ng house player na si Shy, at ang kanyang ikalawang task ay kinakailangan nito na posasan sa kamay itong si Robi habang natutulog.

Kinagabihan ay agad na sinimulan ni Shy ang kanyang task, dahan-dahan itong pumunta ng boys room at pinuntahan si Robi. Sa una ay naging maayos ang lahat, pero habang tumatagal ay unti-unting nagigising si Robi na siya namang ikinabahala ni Shy. Kaya naman ng mapansin ni Shy na nagigising ng itong si Robi ay sumuko nalang ito at kinausap si kuya. Kaya ang resulta ng kanyang ikalawang task ay “Failed”.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: