PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

May 05,2008

5th Nomination Night

Noong nakaraang sabado ay natunghayan natin ang paglabas ni Jolas sa bahay ni kuya. Ngayon naman ay muling humarap ang mga guardians at ang teen housemates sa isang matinding desisyon at ito ay ang pagnominado sa kanilang kasamahan. Sa linggo na ito ay tatlo ang nominado para mapaalis sa bahay ni kuya.

Josef                   Nicole                   Rona

JosefNicoleRona

Para sa ikalimang pagkakataon ay muling nominado si Josef at dahil siya ang nakakuha ng pinaka mataas na boto sa mga guardians ay napasama ito sa listahan ng mga nominado. Si Rona naman ang nakakuha ng ikalawa na may mataas na boto kung kaya’t napasama rin ito sa mga nominado. Dahil tatlo ang kinukuhang nominado, si Nicole and pumangatlo na may mataas na boto. Sino sa kanilang tatlo ang gusto mo pang manatili sa loob ng bahay ni kuya?

To Vote:

PBB<space><name of housemate> and send to 2331 for Globe, TM, Sun Cellular at Bayanwireless Subscriber and

231 for Smart and Talk’n Text Subscriber

“Dahil ang gusto ni kuya, ikaw ang magdedesisyon”

House Player: First Task

Kagabi ay nag karoon ng botohan kung sino sa mga lalakeng housemates ang kunwariang crush ni Shy ang house player sa bahay ni kuya, at ng malaman nito ang gusto ng taong bayan ay agad niya naman itong ginawa.

Unang kinausap ni Shy ay si Rona tungkol sa kunwariang pagtingin nito kay Josef, at ng mapansin ito ng mga housemates ay marami sa kanila ang nagtaka dahil alam naman ng lahat na malapit sa isat-isa sina Nicole at Josef. Kinagabihan ay muling kinausap ni kuya si Shy para sa karagdagang task, ito ay ang pagsasalita ng tulog habang binabanggit ang pangalan ni Josef.

Sa kanilang pagtulog ay agad na ginawa ni Shy ang kanyang task at nagkunwari itong tulog. Habang nagsasalita itong si Shy at sinisigaw ang panagalan ni Josef ay nakikinig naman sa kanya ang kanyang mga kasamahan. Kinaumagahan ay agad na pinag-usapan ng mga teen housemates ang pagsasalit ng tulog ni Shy, habang ang iba naman ay nalilito kung totoo nga bang  may gusto ito kay Josef o may ginagawa lang na task.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: