Archive for May 4, 2008

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on May 4, 2008 by EternalLance

May 4,2008

Welcome House Player

Nagulat ang lahat ng ipaalam ni kuya ang isang surpresa na may papasok sa kanyang bahay. At kanina nga ay natunghayan natin ang pagpasok ni Shy ang house player sa bahay ni kuya.

Ang house player na si Shy ay hindi talaga certified housemate, siya ay may sariling task sa loob kung saan ang taong bayan ang magdedesisyon kung ano ang gagawin nito, at ito ay malalaman sa pamamagitan ng botohan sa text. Sa bawat tagumpay na task na gagawin ng house player ay makakatanggap ito ng pabuya o premyo.

Kanina sa kanyang pagpasok ay agad na nagkaroon ng bohotan kung saan ay pinapili ang lahat kung kanino sa mga lalakeng housemates ay kunwariang crush nitong house player na si Shy. Matapos ang botohan ay nagdesisyon ang taong bayan na si Josef ang nais nila na maging “kunwariang crush” ni Shy. Ano kaya ang mangyayari sa pagpasok ng house player na si shy? Yan at marami pang iba ang ating paka aabangan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

Advertisements