Archive for April, 2008

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 22, 2008 by EternalLance

April 22, 2008

New Hair Style

Noong nakaraang linggo ay binigyan ni kuya si Kevin ng isang task, at ito ay ang pagkumbinsi sa mga lalakeng housemate na mag palit ng kanilang hair style. Kapag magawa nila ito ay muling mabibigyan ng pagkakataon ang isang daang bata na macircumcise ng libre.

Hindi naging madali kay Kevin na makumbinsi ang iba pa niyang kasamahan, pero ang resulta ay napapayag naman niya ang mga ito. Kanina ay inumpisahan na nila ang sakripisyo, pero nagulat ang lahat ng makita nila ang mga design at styles na gagawin sa kanilang buhok.

Magkagayon man ay hindi parin umatras ang mga housemates, ipinag patuloy nila ang sakripisyo alang-alang sa mga bata na hindi pa sumasailalim at walang pambayad mag pa circumcice. Matapos ang gupitan at natuwa naman ang mga lalakeng housemates sa kanilang new look 😉

Goodbye Luis

Sa pagpasok ni Luis noong linggo ay madami itong natutunan and according to him “Masaya ako at naranasan kong maging housemate. Kahit sa maikling araw lang ay naging masaya ako na nakilala ko ang mga teen housemates”.

Matapos na mag celebrate ni Luis ng kanyang kaarawan sa loob ng bahay ni kuya ay lumabas narin ito kagabi, at sa sandaling panahon na ito ay namalagi sa loob ng bahay ni kuya ay labis naman nitong napasaya, hindi lang ang mga teen housemates pati narin ang mga manonood.

Advertisements

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 20, 2008 by EternalLance

April 20,2008

3rd Nomination Night

Sa ikatlong pagkakataon ay muling nahaharap ang mga teen housemates sa isang matinding pagsubok. At ito nga ay ang pag nominado sa kanilang mga kasamahan. Sa ngayon ay tatlo ang nanganganib na mapalabas ng bahay ni kuya, at ito ay sina…

Josef                   Kevin                Nicole

Josef The Lethal LassaliteKevin The Spanish StallionNicole The In-Chick

Dahil sa nakasama at nakilala na ng mga guardians ang mga teen housemates ay isinama narin ni kuya ang mga ito sa nominasyon ng teens. Si Josef ang nakakuha ng pinaka mataas na boto sa mga guardians na naglagay sa kanya upang mapasama sa listahan ng mga nominado. Si Kevin naman sa mga teens ang nakakuha ng pinaka mataas na boto at ang sumunod dito ay si Nicole.

Sino kaya kina Josef, Kevin at Nicole ang sa tingin mo ay karapat dapat na manatili sa loob ng bahay ni kuya?

To Vote:

Type PBB<space><name of housemates> and send to 2331 for GLobe, TM and Bayan Wireless Landline

and 231 for Smart and Talk’n Text Subscribers

For online voting: visit www.pinoybigbrother.com

“Dahil ang gusto ni kuya ikaw ang mag dedesisyon”

 

Welcome New Housemate

Kasabay ng nominasyon kagabi ay ang pagpasok din ng isang bagong housematee. Si Continue reading

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on April 19, 2008 by EternalLance

April 19,2008

Three Blind Mice

Nitong nakaraang linggo ay muling binigyan ni kuya ang mga teen housemates ng kanilang weekly task, at ito nga ay ang pagkabisado sa isang maze kung saan ay nakatakip ang kanilang mata. Bawat araw ay binibigyan ni kuya ng oras ang mga teen housemates upang mag practice at makabisado ng mga ito ang maze.

Pero ang mga teen housemates ay mukhang hindi seryoso sa kanilang task. Kaya naman ng dumating na ang araw kung saan gagawin na nila ang task ay muling nabigo ang mga ito. Ang resulta ay muling mababawasan ang kanilang budget ng 50%, pero ang tanong ng buong bayan ay kelan kaya mag seseryoso ang mga teen housemates sa kanilang task?, kelan kaya sila mananalo?, subaybayan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on April 18, 2008 by EternalLance

April 18, 2008

Voluntary Exit

Noong nakaraang linggo ay nakasama ni Linda ang kanyang ama, at sa araw na iyon ay madami silang napagusapan. Nagkaroon din ng pagkakataon ang ama at ina ni Linda upang magusap, madalas kasi na hindi magkasundo ang mga magulang nito kaya naman ay gumawa na itong si Linda ng paraan upang mag kaayos at magkausap ang kanyang mga magulang.

Matapos ang ilang araw ay muling naisip ni Linda ang kanyang mga magulang at kapatid, kaya naman ay kinausap nito si kuya upang ipaalam ang kanyang nararamdaman, at ito nga ay ang pag nanais nito na mag voluntary exit. Si Linda ay nominado para sa darating na 2nd Eviction night sa sabado, pero dahil nga sa gusto nitong mag voluntary exit ay mukhang mapapaaga ang eviction sa bahay ni kuya.

Ninanais ni Linda na mag voluntary sa kadahilanan na gusto nitong ayusin ang problema sa kanilang pamilya habang hindi pa tuluyang umaalis ng bansa ang kanyang ama, bukod dito ay gusto rin ni Linda na mabuo ang kanyang pamilya habang bata pa ang kanyang kapatid, dahil ayaw nito na maranasan ng kanyang kapatid ang naranasan ni Linda.

Linda the bikini babe

Kaya naman Linda…mula sa kay kuya at sa aming lahat ay saludo kami sayo!…At dahil nga sa ginawang voluntary exit ni Linda ay hindi na matutuloy ang eviction bukas. Ibig sabihin nito ay ligtas na si Kevin na mapalabas ng bahay ni kuya.

Sundan ang iba pang kaganapan sa loob ng bahay ni kuya, dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , , on April 15, 2008 by EternalLance

April 15, 2008

Oh! My Gulay!

Sa pananatili ng mga teen housemates sa loob ng bahay ay mukhang may napansin si kuya.

Ang mga gulay na ibinibigay nito ay mukhang hindi nagagalaw at ang iba ay nasasayang lang. Kaya naman si kuya ay gumawa na ng paraan upang hindi ito masayang. Binigyan ni kuya ng isang pagsubok ang mga housemates, at sa loob ng isang linggo ay kinakailangan na kainin at ubusin nila ang lahat ng gulay na ibinibigay nito.

Malaking hamon ito para kay Valerie, Kevin, Nicole, Nan at Alex, dahil hindi sanay ng mga ito na kumain ng gulay. At ang menu for the day is “ampalaya“. Bawat isa sa kanila ay kanya-kanyang diskarte sa pagkain, merong toyo sa ampalaya   margarine sa ampalaya   tubig   at   kechup.

Tapos ng kumain ang iba nilang kasamahan pero si Nan, Nicole, Valerie at Kevin ay hindi pa tapos kumain, kaya naman ay binigyan ito ni kuya ng oras upang ubusin ang kanilang pagkain, ngunit natapos na ang itinakdang oras na ibinigay ni kuya ay hindi parin sila tapos. Kaya ang resulta ay dinner with ampalaya ang mga teen housemates.

(Gustong paalalahanan ni kuya ang lahat, hindi lamang ang mga teen housemates, pati narin ang lahat ng manonood na ang pagkain ay hindi dapat sinasayang. At ang gulay ay masustansya, sanayin ang mga bata na kumain ng gulay habang bata pa at sa kanilang paglaki ay makasanayan nila ito. )

Lesson:

*Kumuha ng tama lang at kayang ubusin

*Huwag maging mapili sa pagkain

*At higit sa lahat “Kumain ng Gulay” 😛

Big Brother The Haunted House

Inaasahan ni kuya na bilang mga babae na housemates ay mangunguna ang mga ito sa paglilinis ng bahay, pero ang nangyari ay isa rin sila sa mga nag kakalat. Kaya naman ay Ipinatawag ni kuya sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla para sa isang kunwariang parusa.

Habang pinalipat sa ibang lugar ang mga guardians ay pinapunta naman ni kuya ang mga girl housemates sa sikretong lugar. Walang kamalay-malay sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla na doon pala nakatira ang kanilang mga guardians.

Pero si Kuya ay may iba palang balak. Nais nito na takutin ang mga teen housemates na sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla. Kaya naman ay kinasabwat nito ang iba pang housemates para takutin nga ang mga ito. Pero ang resulta ay hindi nila ito natakot sa halip ay nag tawanan lang ang mga ito. Dahil dito isinama narin ni kuya ang mga guardians sa pananakot, matapos mag bihis at mag mukhang maligno, ay agad na inumpisahan ng mga guardians ang pananakot. Pero mukhang si Rona lang ang natakot kaya’y bigo parin ang kanilang guardians na takutin silang lahat.

Tanging sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla na lamang ang hindi nakakaalam na ang sikretong lugar na kanilang pinuntahan ay ang lugar din kung saan nakatira ang kanilang mga guardians. At dahil sa nabigo na takutin sila ay hindi pa nila malalaman ang isang malaking sikreto sa lugar na iyon.

The Missing Noodles

Muling binigyan ni kuya ng isa pang pagkakataon sina Continue reading

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on April 14, 2008 by EternalLance

April 14, 2008

Teen Lovers

Matapos ang nakakatensyon na nominasyon kagabi ay agad na naka recover ang mga teen housemates. Ang iba sa kanila ay agad na nag kulitan at ang iba naman ay nag usap-usap. Si Linda at Alex, sa kanilang pag uusap ay mukhang may natuklasan itong si Alex, at si Linda naman ay todo kilig sa tuwing nginingitian ito ni Alex. Kaya ang ending ay napunta sa habulan ang kanilang kulitan.

Sa kabilang banda naman ay si Ejay at Valerie. Hirap si Ejay na mag english, kaya naman ay mukhang hindi nito masabi ang lahat ng kanyang gustong sabihin. Si Valerie naman ay very supportive at pilit na iniintindi si Ejay, kaya naman ang resulta ng kanilang pag uusap ay nauwi sa tawanan.

The last but not least! Presenting Josef and Nicole. Noong nakaraang linggo ay nag karoon ng tampuhan ang dalawang ito, pero ang tampuhan ay nauwi sa titigan, at ang simpleng titigan ay nauwi sa kiligan. Kitang kita sa dalawa ang pagkakasundo, at sa bawat pangaasar sa isat-isa ay nandoon ang kilig.

Sa araw na ito ay binigyan ni kuya sina Beauty, Nicole at  Josef ng isang sakripisyo para sa kanilang mga guardians. Kinakailangan ay mag mukha silang peacock kapalit ng pag papaganda at pagrerelax ng kanilang mga magulang. Matapos nilang mag palit at mag mukhang peacock ay isa sa napansin ng lahat ang letter N sa dibdib ni Josef at letter J naman kay nicole. Kaya naman agad ito na tinanong ni kuya kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang iyon. Si Josef agad naman na inamin na si Nicole nga ang N nayun at si Nicole naman ay ganun din na ang J sa kanya ay si Josef. . so anu pa bang meaning nun? edi yun nah! 😉

Sundan ang pag kamamabutihan ng mga teen housemates at maki update dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update. ^_^\m/ yeah!

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on April 13, 2008 by EternalLance

April 13, 2008

2nd Nomination Night

After eviction last night. Now teen housemate facing another problem. Hindi pa lubusang nakaka recover ang mga teen housemates sa pag alis ni Jeriel kagabi ay muling humarap ang mga ito upang pag botohan kung sino ang nanganganib mapalabas ng bahay ni kuya sa susunod na linggo, at sa pag kakataong ito ay dalawa ang nominado para mapaalis sa bahay ni kuya.

Linda      and      Kevin

 Linda The Bikini BabeKevin The Spanish Stallion

Matapos mailigtas si Linda kagabi, sa ikalawang pagkakataon ay muli itong nominado. Si Kevin sa unang pagkakataon ay napasama ito sa listahan ng nominado, hindi basta-basta ang pagiging nominado ni Kevin dahil sa kauna-unahang pag kakataon sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother ay siya ang naka kuha pinaka mataas ng puntos na nag mula sa kanyang mga kasamahan, naka kuha ito ng 16 votes na naglagay sa kanya sa listahan upang mapalabas sa susunod na linggo.

Sino sa kanilang dalawa ang karapat dapat na manatili sa loob ng bahay ni kuya?

To Vote:

PBB<space><name of housemate> and Send to 2331 for Globe, Sun Cellular and Bayan Wireless Subscriber

231 for Smart and Talk’n Text Subscriber

For online voting: visit www.pinoybigbrother.com

“Dahil ang gusto ni kuya ikaw ang magdedesisyon”

The Teen Councils

For the second time around, teen councils decided to evicted the guardians.

Binubuo nina Robi, Josef, Jolas, Nan, Kevin, Alex at Continue reading