Archive for April 30, 2008

PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , , , on April 30, 2008 by EternalLance

April 30,2008

Mommy Sandy Goes Watcher

Nitong mga nagdaang araw ay madami ang kinilig sa pagging close nila Nicole at Josef. Pero labis naman na ikinabahala ng dalawa ang pagpasok sa bahay ng mommy ni Nicole.

Itong mga nag daang araw ay Kinausap ni mommy Sandy itong si kuya tungkol sa pagging malapit nila Nicole at Josef, labis kasi itong nababahala kung ano na ang estado ng dalawa. Dahil dito ay pinayagan ni kuya si mommy Sandy na makausap at makasama si Nicole. Walang sinayang na oras itong si mommy Sandy at agad na kinausap si Nicole tungkol sa pagiging malapit nito kay Josef, tinanong din nito kung may relasyon na silang dalawa, pero agad naman ito itinanggi ni Nicole at sinabi na magkaibigan lang sila.

Dahil sa mga pangyayari na hindi inaasahan ay napilitan sina Nicole at Josef na lumayo muna sa isat-isa habang nasa loob ng teen area ang mommy ni Nicole. Matapos na mag-usap ay agad na natulog ang lahat at kinabukasan ay agad na din umalis at bumalik si mommy sandy sa guardians area, pero bago ito umalis ay sinabihan nito si Nicole na layuan na si Josef at kung meron man silang relasyon ay itigil na nila ito dahil meron silang naiwan na karelasyon sa labas ng bahay ni kuya.

Harana

Kagabi sa Primetimebida ay ipinakita ang ginawang paghahanda ni Ejay sa gagawing pagtatapat nito kay Valerie, at ngayon at ang kabuohan ng kanyang panliligaw.

Ng makatulog na ang lahat ay agad na inumpisahan ni Ejay ang kanyang panliligaw at sa tulong ito nila Nan, daddy Erning at daddy Ike. Si Nan ang gumising kay Valerie at hinatid ito sa labas kung saan ay naghihintay itong si Ejay. Sina Daddy Erning at Daddy Ike naman ang nanguna sa pagkanta at pagharana kay Valerie.

Matapos ang kantahan ay kumain at nagsayaw sina Ejay at Valerie, labis naman kasiyahan na nadarama ni Valerie dahil sa buong buhay niya ay hindi pa daw niya ay hindi pa daw niya iyon nararanasan. Pero bago paman matapos ang kanilang date, sa wakas ay nasabi narin ni Ejay ang kanyang nararamdaman kay Valerie at ito ay ang sinabi niya na “I Love You”.

Punishment Day: Part II

Kahapon matapos maging human rooster nila Priscilla at Nicole ay naipasa nila ito kina Valerie at Ejay dahil silang dalawa ang huling nagising matapos ang wake up call. Si Rona nabigyan din ng kaparusahan dahil sa pagtulong nito kina Valerie at Ejay na gisingin ang mga housemates. Kaya naman at sa tuwing magsasalita ito ay kinakailangan na mag tilaok sa una at huling salita nito.

Bukod kina Ejay, Valerie at Rona ay nabigyan din ng punishment ang iba pa nilang kasamahan dahil sa pag-usog nila ng lamesa noong sila ay tumira sa guardians area. Mahigpit kasi na ipinagbabawal alisin o iurong ang anumang kagamitan sa bahay ni kuya ng wala nitong pahintulot. Dahil dito ay kinakailangan nilang ilipat ang isang sakong bigas ng tig-iisang kilo sa paper bag gamit lang ang mga chopsticks. Listas sa parusang ito sina Nicole, Rona, Velerie, Josef at Ejay.

The Ultimate Diet

Hindi naman nakaligtas ang lahat ng teen housemates sa isa pang parusa na ibinigay ni kuya. Dahil sa maraming Continue reading

Advertisements