PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

April 29,2008

Punishment Day

Sa mga nag daang linggo ay kapansin-pansin ang mga violations na ginagawa ng mga housemates. Dahil dito ay dumating na ang itinakdang panahon upang singilin ang mga teen housemates sa ginawang violations ng guardians at ng kapwa teen housemates. Sa una ay nagbunutan ang mga teens, kung sino ang mauunang gumawa ng punishment at ang dalawa na makakakuha ng pulang feather ay ang gagawa ng paunang parusa.

Si Priscilla at Nicole ang nakakuha ng pulang feather kaya naman ay silang dalawa ang gagawa ng punishment. Para sa paunang parusa ay kinakailangan nila maging human rooster dahil isa sa hirap na hirap gawin ng mga teen housemates ang paggising sa umaga o sa wake up call. Gigisingin nila ang mga kasamahan sa pamamagitan ng tilaok ng manok sa tuwing mayroong nakakatulog.

Bukod kay Priscilla at Nicole ay nabigyan din ng parusa si Josef dahil sa violation ng kanyang tita na pagsusuot ng shades. Dahil dito ay kinakailangan ni Josef mag suot ng isang googles na may lamang isda. Hindi naging madali kay Josef ang kanyang punishment dahil sa tuwing may gusto itong gawin ay hindi nito magawa ng maayos.

Preparing For A Big Date

Pansin ng lahat ang pagiging close nila si Ejay at Valerie nitong mga nagdaang araw. Pero dahil narin sa hindi gaano marunong itong si Ejay na mag English ay hindi nito masabi ang kanyang gustong sabihin.

Matapos ang matagal na paghihitay, sa wakas ay nakapag desisyon na itong si Ejay tungkol sa nararamdaman nito kay Valerie. Napagpasyahan nito na sabihin ang lahat-lahat ng kanyang nararamdaman, pero itong si Ejay ay hindi marunong manligaw kung kaya’t tinanong ito ni kuya kung kanino nito gusto magpatulong at magpaturo. Agad naman itongsinagot ni Ejay na gusto nitong tumulong sa kanya ay ang kanyang ama at si Nan.

Ano kayang diskarte ang gagawin nilang tatlo upang magustohan ni Valerie itong si Ejay? yan at marami pang iba ang ating susubay-bayan bukas, dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: