PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

April 24, 2008

Fall Into Pieces Part II

Kagabi sa Primetimebida ay nakita ng lahat ang paghihirap ni Ejay at Valerie sa pagbuo ng nabasag na tasa, pero ng matapos nila itong buohin ay muli itong nabasag. Sa pagkakataon na ito ay kinakailangan nilang buohin muli ang tasa sa itinakdang oras, at kapag hindi nila ito magawa ay hindi na sila maaaring bumalik sa main house.

Si Ejay, nahirapan sa pagtanggal ng tasa sa lamesa kaya naman ay mas lalo itong nabasag ng pinilit nitong tanggalin. Magkagayon man ay pilit parin ito binuo ni Ejay at Valerie sa itinakdang oras. Natensyon ang lahat ng mag-umpisa si kuya na magbilang pero hindi parin nila natatapos buohin ang tasa. Naging maganda ang resulta dahil natapos naman nila ito sa itinakdang oras, at gaya nga ng ipinangako ni kuya ay maaari ng bumalik sa main house ang mga teen housemate. Pero nataranta ang lahat ng malaman nila na kinakailangan nilang gawin ang paglilipat sa lobb lamang ng 5 minuto, at kapag hindi sila nakalipat sa itinakdang oras ay hindi na sila muling makakabalik sa main house.

Final Decision

Dahil sa lumalala at lumalaking away ay nagdesisyon na si Kevin at at daddy John na mag voluntary exit. Maraming beses na tinanong ni kuya kung talagang desedido ang mga ito na mag voluntary exit, pero talagang nanindigan ang dalawa sa kanilang desisyon. Iginagalang naman ni kuya ang desisyon ng dalawa at agad naman nitong sinuportahan at inaprubahan.

Kaya ang botohan ay pansamantalang itinitigil para sa darating na sabado. Dahil si Kevin The Spanish Stallion ng Madrid Spain ay nag pasya ng mag voluntary exit.

PBA vs PBB

Para sa nalalapit na kaarawan ni Jolas ay inimbitahan ni kuya ang mga idolo nito at ng kanyang ama na si daddy Ike sina Peter June Simon at James Yap upang maglaro ng basketball. Kapag magawang manalo ni daddy Ike at Jolas laban kay Peter June Simon at James Yap ay mabibigyan ng isang birthday party si Jolas na minsan sa kanyang buhay ay hindi pa nito nararanasan.

Matapos ang paghahanda ay agad na nilang inumpisahan ang laro, at ang coach for the day ay si daddy John. Naging matindi at maganda ang laban, kaya naman ay ng matapos ang first half ay pinapasok muna ni kuya ang mga bisita sa loob ng kanyang bahay. Tuwang-tuwa ang mga housemates sa kanilang bisita at ang iba ay hindi nakapag pigil na yakapin ito. Pagkalipas ng ilang minuto ay agad na pinabalik ang mga manlalaro sa court upang ipagpatuloy ang laro. Naging mainit ang laban pero sa huli ang nanalo ay ang PBA team na sina Peter June Simon at James Yap. Dahil dito ay hindi na matutuloy ang birthday celebration ni Jolas, magkagayon man ay masayang-masaya si Jolas at ng kanyang ama na si daddy Ike dahil sa nakalaban at nakalaro nila ang kanilang mga iniidolo.

 

One Response to “PBB Teen Edition Plus: My Blog Update”

  1. ang galing ng idol ko na c james yap astig yan PBA…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: