PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

April 23,2008

Fall Into Pieces

Kanina sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus ay mag-kasamang naghuhugas ng kanilang pinagkainan si Ejay at Valerie. Habang naghuhugas ang mga ito ay muling naka basag si Ejay ng tasa. Dahil sa pangyayaring iyon ay ipinatawag ni kuya si Ejay at Valerie upang alamin ang nangyari, at matapos ang palinawagan ay binigyan sila ni kuya ng isang kaparusahan. Kinakailangan ay muli nilang ayusin at buohin ang nabasag nilang tasa ng magkadikit ang kanilang mga kamay.

Sa una ay nadadalian sina Ejay at Valerie sa kanilang ginagawa, pero habang tumatagal ay unti-unti narin nilang nararamdaman ang hirap. Si Ejay, dahil nga sa hirap ito na mag english ay bibihira lang nito kausapin si Valerie, na ang gusto naman ni kuya ay magusap ang dalawa habang tinatapos ang kanilang ginagawa.

Pagkalipas ng ilang oras ay natapos narin nilang buohin ang tasa, at ng ipinadala na ni kuya ang kanilang ginawa ay hindi nila ito magawa dahil dumikit na ito sa lamesa. Sinubukan ni Ejay na tanggalin ang pagkakadikit ng tasa, pero ang resulta ay muli itong nabasag.

Matapos pa kaya nila Ejay ang at Valerie ang pagbuo sa nabasag na tasa?, ano kaya ang naghihintay na kaparusahan kung sakaling hindi nila ito matapos?…Yan at madami pang eksena ang pakasubay-bayan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

John VS Anna

Sa mga nakalipas na araw ng mga teen housemates at ng guardians sa loob ng bahay ni kuya ay mayroong mga pangyayari na hindi maiiwasan, at ito nga ay ang hindi pagkakaintindihan o pagkakasundo. Isa dito ang napansin ng lahat ang madalas na pag-aaway at hindi pagkakasundo ni John, daddy ni kevin at si Anna na tita ni Josef.

Noong simula pa lamang ay hindi na nagkasundo o nagkaintindihan ang dalawang ito. Si John na mula sa Spain, isang matapang, malakas at palaban na tao, maraming ipinaglalaban at laging nakadepende sa mga batas. Kahit hindi ito sanay ay pilit na pinag-aaralan at pinakikisamahan ang kulturang pilipino. Si Anna isang babae na sinusubukan ang tapang at pasensya, hindi sanay makipag debate kaya naman ay sa tuwing kinakausap ito ni John ay lumalayo nalang ito upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan. Hanggang saan kaya hahantong ang kanilang pag-aaway? Subaybayan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: