PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

April 22, 2008

New Hair Style

Noong nakaraang linggo ay binigyan ni kuya si Kevin ng isang task, at ito ay ang pagkumbinsi sa mga lalakeng housemate na mag palit ng kanilang hair style. Kapag magawa nila ito ay muling mabibigyan ng pagkakataon ang isang daang bata na macircumcise ng libre.

Hindi naging madali kay Kevin na makumbinsi ang iba pa niyang kasamahan, pero ang resulta ay napapayag naman niya ang mga ito. Kanina ay inumpisahan na nila ang sakripisyo, pero nagulat ang lahat ng makita nila ang mga design at styles na gagawin sa kanilang buhok.

Magkagayon man ay hindi parin umatras ang mga housemates, ipinag patuloy nila ang sakripisyo alang-alang sa mga bata na hindi pa sumasailalim at walang pambayad mag pa circumcice. Matapos ang gupitan at natuwa naman ang mga lalakeng housemates sa kanilang new look😉

Goodbye Luis

Sa pagpasok ni Luis noong linggo ay madami itong natutunan and according to him “Masaya ako at naranasan kong maging housemate. Kahit sa maikling araw lang ay naging masaya ako na nakilala ko ang mga teen housemates”.

Matapos na mag celebrate ni Luis ng kanyang kaarawan sa loob ng bahay ni kuya ay lumabas narin ito kagabi, at sa sandaling panahon na ito ay namalagi sa loob ng bahay ni kuya ay labis naman nitong napasaya, hindi lang ang mga teen housemates pati narin ang mga manonood.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: