PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

April 15, 2008

Oh! My Gulay!

Sa pananatili ng mga teen housemates sa loob ng bahay ay mukhang may napansin si kuya.

Ang mga gulay na ibinibigay nito ay mukhang hindi nagagalaw at ang iba ay nasasayang lang. Kaya naman si kuya ay gumawa na ng paraan upang hindi ito masayang. Binigyan ni kuya ng isang pagsubok ang mga housemates, at sa loob ng isang linggo ay kinakailangan na kainin at ubusin nila ang lahat ng gulay na ibinibigay nito.

Malaking hamon ito para kay Valerie, Kevin, Nicole, Nan at Alex, dahil hindi sanay ng mga ito na kumain ng gulay. At ang menu for the day is “ampalaya“. Bawat isa sa kanila ay kanya-kanyang diskarte sa pagkain, merong toyo sa ampalaya   margarine sa ampalaya   tubig   at   kechup.

Tapos ng kumain ang iba nilang kasamahan pero si Nan, Nicole, Valerie at Kevin ay hindi pa tapos kumain, kaya naman ay binigyan ito ni kuya ng oras upang ubusin ang kanilang pagkain, ngunit natapos na ang itinakdang oras na ibinigay ni kuya ay hindi parin sila tapos. Kaya ang resulta ay dinner with ampalaya ang mga teen housemates.

(Gustong paalalahanan ni kuya ang lahat, hindi lamang ang mga teen housemates, pati narin ang lahat ng manonood na ang pagkain ay hindi dapat sinasayang. At ang gulay ay masustansya, sanayin ang mga bata na kumain ng gulay habang bata pa at sa kanilang paglaki ay makasanayan nila ito. )

Lesson:

*Kumuha ng tama lang at kayang ubusin

*Huwag maging mapili sa pagkain

*At higit sa lahat “Kumain ng Gulay”😛

Big Brother The Haunted House

Inaasahan ni kuya na bilang mga babae na housemates ay mangunguna ang mga ito sa paglilinis ng bahay, pero ang nangyari ay isa rin sila sa mga nag kakalat. Kaya naman ay Ipinatawag ni kuya sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla para sa isang kunwariang parusa.

Habang pinalipat sa ibang lugar ang mga guardians ay pinapunta naman ni kuya ang mga girl housemates sa sikretong lugar. Walang kamalay-malay sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla na doon pala nakatira ang kanilang mga guardians.

Pero si Kuya ay may iba palang balak. Nais nito na takutin ang mga teen housemates na sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla. Kaya naman ay kinasabwat nito ang iba pang housemates para takutin nga ang mga ito. Pero ang resulta ay hindi nila ito natakot sa halip ay nag tawanan lang ang mga ito. Dahil dito isinama narin ni kuya ang mga guardians sa pananakot, matapos mag bihis at mag mukhang maligno, ay agad na inumpisahan ng mga guardians ang pananakot. Pero mukhang si Rona lang ang natakot kaya’y bigo parin ang kanilang guardians na takutin silang lahat.

Tanging sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla na lamang ang hindi nakakaalam na ang sikretong lugar na kanilang pinuntahan ay ang lugar din kung saan nakatira ang kanilang mga guardians. At dahil sa nabigo na takutin sila ay hindi pa nila malalaman ang isang malaking sikreto sa lugar na iyon.

The Missing Noodles

Muling binigyan ni kuya ng isa pang pagkakataon sina Rona, Nicole, Linda, Valerie at Priscilla para malaman ang isang malaking sikreto. Kinakailangan nila na malaman at mag imbestiga kung sino ang nagtatgo ng noodles, gagawin nila ang imbestigasyon sa loob ng isang oras pagkagising nila sa umaga.

Kinabukasan ay walang pinalagpas at inaksayang oras, ang lahat ay may kuwento ang sabi nila si Priscilla daw, ang sabi naman ng isa si Valerie. Pero natapos muli ang itinakdang oras ng ibinigay sa kanila ay hindi pa nila natutuklasan kung sino ang nagtatago ng noodles. Kaya ang resulta ay bigo muli ang mga ito na malaman ang isang malaking sikreto.

May pagasa pa kayang malaman nila ang isang malaking sikreto?, totoo kayang may nag hihintay sakanilang parusa?. . .ating subaybayan dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: