PBB Teen Edition Plus: My Blog Update

April 14, 2008

Teen Lovers

Matapos ang nakakatensyon na nominasyon kagabi ay agad na naka recover ang mga teen housemates. Ang iba sa kanila ay agad na nag kulitan at ang iba naman ay nag usap-usap. Si Linda at Alex, sa kanilang pag uusap ay mukhang may natuklasan itong si Alex, at si Linda naman ay todo kilig sa tuwing nginingitian ito ni Alex. Kaya ang ending ay napunta sa habulan ang kanilang kulitan.

Sa kabilang banda naman ay si Ejay at Valerie. Hirap si Ejay na mag english, kaya naman ay mukhang hindi nito masabi ang lahat ng kanyang gustong sabihin. Si Valerie naman ay very supportive at pilit na iniintindi si Ejay, kaya naman ang resulta ng kanilang pag uusap ay nauwi sa tawanan.

The last but not least! Presenting Josef and Nicole. Noong nakaraang linggo ay nag karoon ng tampuhan ang dalawang ito, pero ang tampuhan ay nauwi sa titigan, at ang simpleng titigan ay nauwi sa kiligan. Kitang kita sa dalawa ang pagkakasundo, at sa bawat pangaasar sa isat-isa ay nandoon ang kilig.

Sa araw na ito ay binigyan ni kuya sina Beauty, Nicole at  Josef ng isang sakripisyo para sa kanilang mga guardians. Kinakailangan ay mag mukha silang peacock kapalit ng pag papaganda at pagrerelax ng kanilang mga magulang. Matapos nilang mag palit at mag mukhang peacock ay isa sa napansin ng lahat ang letter N sa dibdib ni Josef at letter J naman kay nicole. Kaya naman agad ito na tinanong ni kuya kung ano ang ibig sabihin ng mga letrang iyon. Si Josef agad naman na inamin na si Nicole nga ang N nayun at si Nicole naman ay ganun din na ang J sa kanya ay si Josef. . so anu pa bang meaning nun? edi yun nah!😉

Sundan ang pag kamamabutihan ng mga teen housemates at maki update dito lang sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus: My Blog Update. ^_^\m/ yeah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: