PBB Teen Edition Plus: Week 1

March 24 – 28

Geeting to know each other ang mga housemates ni kuya!

Bagong bahay, bagong buhay. Isa-isang pumasok ang mga teen housemates sa bahay ni kuya, bawat isa sa kanila ay bakas sa mukha ang pagkakaba, mayroong naiilang at meron din namang hindi. Ibat-ibang pinanggalingan, ibat-ibang personalidad, bawat isa ay may gustong panutayan. Marami ang nag tanong at marami ang nagtaka, mag kagayon man ay mas marami ang natuwa.

Ejay - The Promdie HottieKevin - The Spanish StallionNicole - The In-ChickLinda - The Bikini BabeNan - Ang Junior KengkoyAlex - The Italian ValentinoRona - The Prisoner’s DaughterJieriel - The Bubbly GirlBeauty - The Rebellious BeautyJolas - The Gentle GiantValerie - The Dazzling DollPriscilla - The Deaf DreamerRobi - The-Blue AtenistaJosef - The Lethal Lassalite

Sa pag pasok ng mga teen housemates sa bahay ni kuya ay madami ang nag bago at di mag tatagal ay madami ang mababago.

Labing apat na kabataang pinoy, labing apat na pangarap ang handang mag bago. Panibagong kwento, panibagong simula, pero isa lang ang alam ng lahat, na sa bawat pag labas ng bahay ni kuya ay isang malaking pinto ang mag bubukas sa bawat housemates.

Sila ang ating susubaybayan sa mga darating na araw.

First day First task!

Isa sa inabangan ng lahat ang pagsasama nila Robi at Josef na nagmula sa magkaribal na eskwelahan. Binigyan sila ni Big Brother ng isang malaking task na kung saan nakasalalay ang kanilang budget para sa susunod na linggo, kinakailangan nilang gawin ay paniwalain ang lahat ng housemates na matalik silang magkaibigan mula pagkabata, at kung meron mang isa ang magduda ay matatalo sila sa kanilang weekly task. Bago matapos ang linggo ay nalaman na nilang lahat ang resulta sa kanilang weekly task, isa-isa sila na tinanong ni kuya kung naniniwala ba sila na matalik na magkaibigan sina Robi at Josef, ang lahat ay sumangayon maliban sa isa na si Jieriel, at dahil dito wala silang budget para sa susunod na linggo.

Bawat araw ay mayroon silang task na ginagawa at tinatawag nila itong Daily Task. Sa unang linggo ng mga teen housemates sa loob ng bahay ni kuya ay hindi pa sila lubusang magkakakilala, kaya naman ang mga task na pinapagawa ni kuya ay naka focus sa pagpapakilala ng sarili at sa iba pang mga housemates.

Bawat araw ay madami silang nagagawa pero sa unang linggo ng mga housemates ay isang malaking rebelasyon ang nabunyag.

“Alex The Italian Valentino gustong mag pa tuli! (Yes he’s not circumcise)”

Si Alex at kevin, parehong lumaki sa ibang bansa, si Alex sa Milan, Italy at si Kevin naman ay sa Madrid, Spain, kaya hirap ang dalawang ito na mag tagalog, at dahil dito ay binigyan sila ni kuya ng isang task. Ito ay ang pagsasabi ng 500 tagalog words ni Alex at tulong ito ni Josef. Si Alex ay tuturuan si Kevin ng mga Italian words at si Kevin naman ay tuturuan si Josef ng mga spanish word. Naging maayos ang lahat hanggang sa may mabanggit si Alex na isang salita, ito ay ang “supot” agad na napatanong si Big Brother kung sino ang supot?, at agad naman itong inamin ni Alex. Dalawa sa nakatatandang kapatid ni alex ang nag pa circumcise kaya naman ay desedido rin itong mag pa tuli.

Tradisyon na sa ating mga pilipino ang pag papatuli ng mga kalalakihan, at dahil dito ay gustong ni Alex na maging tunay pilipino at binata. Ilang beses siya tinanong ni kuya kung talagang seryoso ito, humingi siya ng payo sa kapwa housemates at doktor upang maka pag isip, ngunit desedido si Alex na gawin ang operasyon. At sa darating nga na myerkules, sa kauna-unahang pagkakataon ay may bibinyagan sa bahay ni kuya, at dahil dyan ay inaanyayahan ni Kuya ang mga kabataang 16 to 18 years old na makiisa at pumunta sa kanyang bahay para sa libreng tuli. Ang unang isangdaan lamang ang tatanggapin. Yan at madami pang iba ang paka aabangan next week, dito lang sa Pinoy Big Brother My Blog Update. ^_^\m/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: