Archive for March 31, 2008

PBB Teen Edition Plus: Week 1

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , , on March 31, 2008 by EternalLance

March 24 – 28

Geeting to know each other ang mga housemates ni kuya!

Bagong bahay, bagong buhay. Isa-isang pumasok ang mga teen housemates sa bahay ni kuya, bawat isa sa kanila ay bakas sa mukha ang pagkakaba, mayroong naiilang at meron din namang hindi. Ibat-ibang pinanggalingan, ibat-ibang personalidad, bawat isa ay may gustong panutayan. Marami ang nag tanong at marami ang nagtaka, mag kagayon man ay mas marami ang natuwa.

Ejay - The Promdie HottieKevin - The Spanish StallionNicole - The In-ChickLinda - The Bikini BabeNan - Ang Junior KengkoyAlex - The Italian ValentinoRona - The Prisoner’s DaughterJieriel - The Bubbly GirlBeauty - The Rebellious BeautyJolas - The Gentle GiantValerie - The Dazzling DollPriscilla - The Deaf DreamerRobi - The-Blue AtenistaJosef - The Lethal Lassalite

Sa pag pasok ng mga teen housemates sa bahay ni kuya ay madami ang nag bago at di mag tatagal ay madami ang mababago.

Labing apat na kabataang pinoy, labing apat na pangarap ang handang mag bago. Panibagong kwento, panibagong simula, pero isa lang ang alam ng lahat, na sa bawat pag labas ng bahay ni kuya ay isang malaking pinto ang mag bubukas sa bawat housemates.

Sila ang ating susubaybayan sa mga darating na araw.

First day First task!

Isa sa inabangan ng lahat ang pagsasama nila Robi at Josef na nagmula sa magkaribal na eskwelahan. Binigyan sila ni Big Brother ng isang malaking task na kung saan nakasalalay ang kanilang budget para sa susunod na linggo, kinakailangan nilang gawin ay paniwalain ang lahat ng housemates na matalik silang magkaibigan mula pagkabata, at kung meron mang isa ang magduda ay matatalo sila sa kanilang weekly task. Bago matapos ang linggo ay nalaman na nilang lahat ang resulta sa kanilang weekly task, isa-isa sila na tinanong ni kuya kung naniniwala ba sila na matalik na magkaibigan sina Robi at Josef, ang lahat ay sumangayon maliban sa isa na si Jieriel, at dahil dito wala silang budget para sa susunod na linggo.

Bawat araw ay mayroon silang task na ginagawa at tinatawag nila itong Daily Task. Sa unang linggo ng mga teen housemates sa loob ng bahay ni kuya ay hindi pa sila lubusang magkakakilala, kaya naman ang mga task na pinapagawa ni kuya ay naka focus sa pagpapakilala ng sarili at sa iba pang mga housemates.

Bawat araw ay madami silang nagagawa pero sa unang linggo ng mga housemates ay isang malaking rebelasyon ang nabunyag.

“Alex The Italian Valentino gustong mag pa tuli! (Yes he’s not circumcise)”

Continue reading

Advertisements

Sunday Task

Posted in PBB: Teen Edition Plus with tags , , on March 31, 2008 by EternalLance

March 30, 2008

Notebooks for graduating housemates

Alam ng lahat na ang buwan ng abril ay graduation month. Kaya naman ay binigyan ni kuya ang task ang mga teen housemates para sa nalalapit na pagtatapos ng tatlo sa kanilang kasamahan. Kinakailangan nilang gumawa ng 1,500pc na notebooks bago matapos ang itinakdang panahon. Kapag ito ay kanilang nagawa ay mabibigyan ng isang graduation party ang mga magsisipag tapos na mga housemates.

Sina Robi, Jieriel at Rona ay itinakda sanang mag martsa sa pagtatapos ng kanilang pagaaral, ngunit sa pagpasok nila sa bahay ni kuya ay mukahang malabo itong mangyari.

Continue reading